Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Yellow card ng OFW pinapalibre ni Cong

0 214

Dapat ibigay nang libre ang pag-isyu ng yellow card o International Certificate of Vaccination and Prophylaxis (ICVP).

Ito ang iginiit ni Iloilo Rep. Janette Garin na sinuportaan nina Reps. Wes Gatchalian and Ciriaco Gato.

Panawagan ni Garin sa kongreso na ipursiging wag nang pagbayarin pa ng P300 ang mga kukuha ng yellow card.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Partikular umano ang mga overseas Filipino workers na kailangan ito sa kanilang pangingibang bansa.

“Baka puwedeng i-waive na muna ‘yung P300. Congress should lobby for that. We owe it to our OFWs,” apela ni Garin sa briefing ng Department of Information and Communication Technology (DICT) kaugnay sa ginagawa nitong pagtugon sa pandemya. (Eralyn Prado)

Leave A Reply

Your email address will not be published.