Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Yemen national timbog sa tanim na tsongki

0 182

KALABOSO ang isang Yemen national na estudyante matapos masamsam ang mga tanim na marijuana mula sa tinutuluyang bahay sa Bakekang Central, Baguio City nitong Sabado.

Kinilala ng Philippine Drug Enforcement Agency-Cordillera (PDEA-Cor) ang suspek na si Hussein Muaadh Hasan alyas Muah Yaf, 21, nag-aaral sa Manila at pansamantalang naninirahan sa Baguio City.

SM food to go Banner Ad

Sa report, ayon sa PDEA-Cor, sa pamamagitan ng search warrant, sinalakay ng mga operatiba ang tinitirhan ni Hasan kung saan natagpuan ang mga pananim na marijuana sa kanyang bakuran.

Nasamsam mula sa suspek ang tatlong nakapasong fully grown marijuana plants na may market value na P600 at humigit-kumulang sa 6 gramo ng marijuana stalks na may market value na P720.

Nakakulong ngayon ang dayuhan sa PDEA-Cor at kaukulang kaso ang isinampa laban sa kanya. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.