Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Yen absuwelto sa ahas isyu

0 84

Abswelto na si Yen Santos sa mga walang kapararakang pagbibintang .

Walang halong pag-iimbot at buong katapatang ipinahayag ni Paolo Contis na “she is a friend”.

Dahil nga basag at itinuwid ni Contis ang ispekulasyon tungkol sa babaing karay-karay niya sa medyo kalayuang tourist spot, bukod tanging babaing pinagpala pala sa lahat dahil kay buti nitong kaibigan.

Tuloy pa ba ang pagdadabog ng bangs ng mga dalahira?

Eh ang kilay na naka-arko, ang pangkat katkatera, ibinaba na ba? Maliban na lang kung may matibay na ebidensyang pwedeng pasinungalingan ang mga sinabi ni Paolo, tiyak ang isyung ito ay gone with the wind and gone in 60 seconds na.

Mabuting kaibigan pala si Santos kay Contis, palakpakan na may mabunying sigawan, right?

Panalong-panalo naman na maging friend ang babaing ito dahil in the hour na Paolo was at his most vulnerable and needed breathing space and a place to contemplate, able and willing siyang damayan, maging listening ear, shoulder to cry on, and travel buddy nito. Wow! Friendship goals, indeed. Hindi ba naman?

SM SuperKidsDay Banner Ad

Pambihirang babae si Santos na hindi ninerbiyos at all sa mga maaring isipin ng mga dalahira at dudosa dahil nga malinis ang konsensiya.

Dumadamay si Yen sa kapwa niyang mahal niya, at ito nga ay si Paolo.

How noble! How so very Christian! Napaka-busilak ng pagkakaibigan nilang pinagsasaluhan .Marami tuloy gustong hirangin ang dilag bilang “pambansang best friend”.

Tiyak, mas lalong tikom na ang bibig ni Yen at hindi na ito kukuda pa dahil nga mismong ang kaibigan niyang lalaki ang luminis sa pangalan niya .Iniluklok siya sa pedestal bilang mabuti at mabait na kaibigan.

Ano ang susunod na kabanata sa friendship nina Paolo Contis at Yen Santos? Malay ko at pakialam ko. Ang wish ko lang talagang friends nga at hindi babawain in the nearest future at may kiyeme latik na friendship is the best foundation of their relationship, huh!

Naku, pakinggan na lang natin ang hit ni Lilet na “Kaibigan Lang Pala” at kung sakali mang mahusay kumanta itong si Santos, panalo siguro kung gawin niyang revival. Ang saya nun. Pramis.

Pokwang matibay ang agimat

Marami ang lugod na lugod sa Twitter post ni Marietta Subong, na mas popular sa pangalang Pokwang .

Nanawagan siya na ang pinakamatibay na agimat ngayong pandemya ay panalangin at disiplina.

Mulat ang mata sa katotohan ni Ms. Pokie na ang mga pangyayaring kinahaharap natin sa kasalukuyan, Divine Intervention ang need kaya dapat mas lalo pang ikasa ang prayer power, at disiplina, na dapat magpabakunda ang lahat. Huwag gumala sa kung saan-saan, sundin ang health protocols, palakasin ang immune system at buong katawan.

Kung marami ang masaya sa panawagan ni Ms. Pokie, panglalait at pang-aaglahi naman ang tinatanggap ni Ate Gay na ngayong binigyan ng panibagong pagkakataon para mabuhay, wala sa hulog ang isang pahayag sa Facebook.

Deleted na ni Gil Morales ang kanyang kuda na nagpakita sa kanyang politikal na paniniwala na hindi na dapat ipinangangalandakan pa dahil alam mong wala sa katwiran. Sina Pokwang at Ate Gay ay dalawang komedyante na pwedeng ikumpara ang mga bagay-bagay na isinusulong at ipinaglalaban.

Avelino inurot sa kasalan

Dahil nga apat na taon na ang relasyon ni Paulo Avelino sa banyagang modelong kasintahan nito, marami ang nanalig na walking the aisle ang next big step na mangyayari sa aktor.

Makakatulong ba ang usaping “kasalan” sa karera ni Avelino? Will this raise his stock as a lovable, yummylicious hombre na sa wakas eh natagpuan na ang kanyang “the one” sa katauhan ni Jodie Tarasek?

Ang diva that you love, look na lang sa sky with matching paghihikab ang reaksyon sa payanig na Avelino contemplates now on a happily; ever after with the foreign model kasi nga ito na ang new forever niya.

Di hamak na ang balana at madlang pipol ay mas interasadong malaman kung ano ang mga susunod na kaganapan sa kanyang mga ex, si LJ Reyes na mommy dearest ng biological son niyang si Ethan Akio at kay Kristina Cassandra Concepcionn na mas marami ang may bet na makatuluyon ang papable chef Jordan Andino kesa sa isa niyang Pinoy pride lalaking kaibigan si Allan Lindo na mas tanyag bilang si apl.de.ap, .

Yun lang.!

Leave A Reply

Your email address will not be published.