Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Yen dawit sa ‘hiwalayang’ Paolo-LJ

0 312

As of this writing, hindi pa nagbibigay ng kanyang pahayag ang Kapuso actor na si Paolo Contis kaugnay ng kumakalat na balitang hiwalay na umano sila ni LJ Reyes.

Ito ay pagkatapos na in-unfollow niya ang partner at burahin ang mga litrato ng ina ni Summer sa kanyang Instagram account.

Ang nakakalokang pangyayari ay hindi lang pala si LJ ang in-unfollow ni Paolo sa kanyang IG kundi lahat ng kanyang followers.

Ganoon din ang naging dramarama ni Yen Santos na leading lady ni Paolo sa isang Netflix movie na kinunan pa ang kabuuan sa Faroe Islands.

SM food to go Banner Ad

Makikitang sa kanilang Instagram account, zero na ang kanilang followers.

Hirit nila, kaya raw, in-unfollow ni Yen ang kanyang mga follower ay dahil takot daw itong ma-bash at madawit sa isyu ngayon kina Paolo at LJ. Baka mapagbintangan siyang third party lalo’t nakakailig ang mga photo nila ni Paolo na naglalabasan.

Obserbasyon naman ng ilan, hindi raw kaya gumigimik lang ang dalawa para mapag-usapan ang kanilang pelikula?

Bukas ang pitak na ito sa panig nina Paolo at Yen tungkol sa isyung ipinupukol sa kanila.

Leave A Reply

Your email address will not be published.