Abante Tonite Interactive

Yam pinadugo ang tenga ni Yen

611

Naranasan ni Yen Santos na masabihan ng tanga dahil sa karakter niyang si Jacky Corpuz na asawa ng karakter ni Sam Milby sa ‘Halik’ na si Ace Corpuz.

Kuwento ni Yen, minsang kumakain siya sa isang restaurant ay nilapitan siya ng chef at ang sinabi, “Ma’am Jacky, puwede ba huwag ka namang tatanga-tanga? Niloloko ka na ng asawa mo, wala ka pang alam?”

Reaksyon niya, “Tumawa lang ako. Nakakatuwa na kahit sila, meron silang time para mapanood ‘yung show. Ibig sabihin, nakatutok talaga sila at alam nila ‘yung nangyayari.”

Abante Hiring – IT dep

Unforgettable para kay Yen ang mapasama siya sa ganu’n ka-successful na show. Hindi na raw niya makakalimutan sa buong buhay niya na naging si Jacky siya sa ‘Halik’.

Hindi rin makakalimutan ng 26-anyos na da­laga ang mga sampalan nila ni Yam Concepcion, na medyo nagkakasakitan sila na hindi maiiwasan.

‘Pag nasa eksena raw kasi ay mahirap pigilan minsan na mandaya o mag-alalay dahil ‘pag napanood sa TV ay mahahalata ‘yon.

Like minsan daw ay nagpa-ER (emergency room) si Yam dahil nasaktan niya ito sa eksena, na aksidente naman at hindi niya sinasadya.

“Pero nu’ng isang araw, pinadugo mo ‘yung tenga niya, eh!” hirit na biro ni Jericho Rosales kay Yam.

Natatawang sey ni Yen, dumugo ‘yung tenga niya. May bago raw kasi siyang hikaw na bagong butas, eh sabunutan scene nila, so ayun. Pero okey naman daw dahil hindi maiiwasan ‘yung mga gano’n.

At siyempre, puring-puri ni Yen si Echo.

Sobrang generous daw ni Echo, na ang gusto ay mapaganda talaga ang mga eksena, so nandiyan ito lagi para tulungan sila.

Dugtong pa ni Yen, ‘yung friendship na nabuo sa show nilang ‘yon ay hindi rin niya makakalimutan dahil hindi ito nabibili ng pera.

‘Yun daw ang masarap kasi kahit mabibigat ‘yung mga napapanood na eksena sa ‘Halik’, sa likod ng kamera ay magkakaibigan sila.
***

Echo naghahanap ng bago

Nauna si Piolo Pascual na nagsabing ayaw na nitong mag-teleserye, ngayon ay si Jericho Rosales naman ang gustong magpaalam na sa paggawa ng soap opera.

Tila nasa ganu’ng level na ang dalawang prime leading men ng ABS-CBN na para sa kanila ay graduate na sila sa teleserye na matagal na rin nilang ginagawa.

Ayon kay Jericho nang makatsika namin ito after ng open forum kahapon sa mediacon para sa huling dalawang linggo ng ‘Halik’, ‘yun talaga ang nasa puso niya.

Gusto niya raw maghain ng bago sa mga nanonood sa kanya. Meron daw kasing mga lumalapit sa kanya na jeepney driver, security guard, atbp. na tinatanong siya kung kailan siya mag-a-action o gagawa ulit ng ‘Panday’ o ng ‘Pacquiao’ movie.

Napapansin niya raw na nagkakaroon ng pattern sa career niya at gusto lang niyang alisin ‘yon. And with the availa­bility of iWant, Netflix at kung ano-ano pa, feeling niya ay marami siyang puwedeng gawin.

Nilinaw ng aktor na never siyang hihinto sa pag-arte, gusto niya lang ng bago talaga. Maybe puwede raw siyang pumasok sa producing, acting at directing.

Pati raw endorsements niya ay may brand partnerships siya na welcome siyang magdirek at magsulat ng projects, so maraming opportunities na dumarating sa kanya ngayon.

“Kailangan ko lang ng mga dalawang buwan, tatlong buwan to collect my thoughts. Kakanta muna ulit, susulat muna ulit, surfing muna ulit, and then pagbalik ko by the end of the year, I have something new for sure,” nakangiting pakli ni Echo.

New content ang hanap ng premyadong Kapamilya actor, para ‘pag hinanapan daw siya ng bago ay meron talaga at hindi lokohan lang.