Abante Tonite Interactive

Yeng, Gilas kumuha ng kumpiyansa sa Spain

0 499

Higit sa tatlong panalo, nakakuha ng kompiyansa ang Gilas Pilipinas sa training camp sa Spain.

Nakatatlong panalo kontra isang talo ang Filipinos sa apat na laro roon.
Sa tune-up games sa Guadalajara ay nilampaso ng Nationals ang Congo 102-80 at ibinaon ang Ivory Coast 94-83.

Sa pocket tournament sa Malaga, tumukod ang Gilas sa Congo 82-71 bago inulitan ang Ivory Coast 73-64.

“The short tournament enabled us to gain confidence as we enter the last two weeks of preparation for the FIBA World Cup,” pahayag ni coach Yeng Guiao tapos ng ikalawang panalo sa Ivory Coast nitong Linggo.

Sa huling laro, 5 of 20 lang mula sa field si naturalized Andray Blatche pero tumapos ng 18 points at 18 rebounds.

Namuno sa Filipinos si Robert Bolick sa kinamadang 19 points mula sa 5 for 8 shooting sa 3-point range at perpektong 8 of 8 sa stripe.

Nagdagdag ng tig-9 points sina Japeth Aguilar at Paul Lee.

Nilimitahan ng Nationals ang sariling turnovers sa 7, maganda ang depensa na nagresulta sa 11 steals mula sa 14 turnovers ng Ivory Coast.

Bago ang break ay nagkasa ng 12-5 run ang Filipinos mula sa 3 ni Bolick at nakumpletong four-point play ni Blatche tungo sa 36-25 lead.

Nakapanindak pa ang Ivory Coast sa lima papasok ng final 2 minutes, binulldozer ni Blatche ang paint at nakakuha ng dalawang free throws bago nagbaon ng isa pang 3-pointer si Bolick para muling ilayo ang Pilipinas. (Vladi E­duarte)