Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Yeng iko-coach ‘Pinas vs China

0 434

Handang tumugon si Yeng Guiao sakaling pik-apin siya para mag-coach sa Pilipinas kung matutuloy ang laro kontra China.

Nitong Biyernes, sinabi ni PBA Board chairman Ricky Vargas na pangarap niyang magkaroon ng matchup ang Pilipinas at China bago ang Season 46, at si Guiao ang gusto niyang magtimon sa Pinoys sa best-of-seven friendlies.

Panukala ng executive na PBA Selection ang kakatawan sa Pilipinas.

Siyempre, wish lang ‘yun ng kinatawan ng TNT sa board. Pero kung matutuloy ay tatanggapin ni Guiao.

“I’m flattered ako ‘yung napili ni chairman Ricky,” anang NLEX coach.

Mainit ang usapan sa West Philippine Sea sa teritoryong pinag-aagawan ng ilang bansa kabilang ang Pilipinas at China. Hindi maiwasang maiugnay rito ang basketball match, kahit friendlies pa.

“I will gladly do it kung makakatulong siya in any way to may bringing together a discussion or awareness of what’s going on doon sa West Philippine Sea,’ ani Guiao. “Even if it’s just for awareness, maintindihan lang ng karamihang tao kung ano ‘yung issues involved.”

Noong 2018 Asian Games sa Indonesia, si Guiao ang head coach ng Gilas Pilipinas at kasama sa team niya si Fil-Am Jordan Clarkson ng Jazz.

Nagtistis si Clarkson ng 28 points sa pa niyang laro sa Gilas pero yumuko ang Pilipinas sa China 82-80.

Tabla ang iskor, na-foul ni Clarkson si Zhao Rui sa final 13 seconds. Pasok ang dalawang free throws ni Zhao, sa huling posesyon ay disenteng nasipat ni Paul Lee ang basket pero kumabyos ang tira. (VE)

Leave A Reply

Your email address will not be published.