Abante Tonite Interactive

Yeng, Joem nagka-award sa todong bigayan

458

Proud ang Star Magic kina Joem Bascon at Yeng Constantino.

Nagwagi ang dalawa Best Supporting Actor at Best Supporting Actress awards sa nakaraang Metro Manila Film Festival para sa pelikulang “Write About Love.”

“Sobrang saya ko na nanalo ako. ‘Di ko kasi talaga ine-expect na manalo, talagang pumunta lang ako to support ‘yung dalawang entry ko and support the Manila Film Festival. Kasi this is my first time na pumunta ng awards night. As in unang beses ko to kasi nung first time ko na nag -MMFF nasa States ako, so this time, nandito na ako,” Joem shared.

The actor is also very thankful to Yeng, whom he knows gave her all to giving life to her character Joyce.

“Yeng was very eager to learn tapos naiintindihan niya ‘yung mga scenes namin, so nabigay niya ng may puso ‘yung mga eksena. Kaya sobrang saya namin na nanalo din si Yeng. Naramdaman nila siguro ‘yung love story namin ni Yeng du’n sa pelikula, nabigyan ng justice ‘yun characters. I’m happy kasi ‘di magwo-work si Marco kung wala si Joyce. Hindi ako magiging effective kung wala ‘yun character ni Yeng at kung ‘di kami nagbigayan sa isa’t isa. So masaya ako at narecognize ‘yun ng Jurors,” reaksyon naman ni Yeng.

“Na-surprise ako! Nasa Thailand Airport ako nu’n eh pauwi ng Manila nu’ng nalaman kong nanalo ako. I opened my Twitter tapos ang daming nag-congrats na mga supporters ko. Ako naman ‘What? Totoo ba to?’ Medyo lutang ‘yung feeling kasi ‘di ko inasahan talaga. ‘Yung makapasok lang sa MMFF panalo na kami ng team ‘Write About Love’ eh. Pero may pa-bonus pa na awards so super happy and grateful talaga,” Yeng related.

The singer turned actress then admitted that acting has a special place in her heart now.

“Sana po ay mas dumami pa ang acting projects dahil napamahal na rin po sakin yung craft na ito,” she stated.

A new Cinemalaya project, “Angkas” will be kicking off Joem’s schedule in 2020 while Yeng will be working on a new album and hopefully a major concert, and will continue with her duties as a “Tawag Ng Tanghalan” judge and mentor of “Your Moment”. (Roldan Castro)