Abante Tonite Interactive

Yeng may warrant of arrest

1,309

May warrant of arrest na nakabinbin para sa singer na si Yeng Constantino. Ang warrant ay na-issue noon pang Disyembre ng nakaraang taon at wala umanong aksyon na ginawa ang singer.

Gumagawa ng ingay ang mga doktor para bigyan ng pansin ni Yeng ang kasong inihain laban sa kanya. Ito ay dahil umano sa cyberbullying at cybershaming na naranasan ng mga doktor matapos ang nangyaring aksidente sa asawa niya sa Siargao.

Ayon sa post ng doktor na si Dowk Amber sa Facebook, wala pang aksyon na ginagawa si Yeng at nakuha pa umano nitong magpa-interview sa “Tonight With Boy Abunda”.

Sinasabi rin niya na nakapagpiyansa umano ito sa halagang P30,000. Ang isa naman doktor na si Chrismar Lumasag Mocorro ay nag-post din sa kanyang Facebook hinggil sa isyu.

Aniya, “Hello fellow doctors. This is posted with consent from Dr. Esterlina Tan. She is asking for help from the medical profession because there was no action to the said warrant dated December 12, 2019 for Ms. Yeng Constantino.”

Bukas ang pahina ng Tonite para sa panig ni Yeng Constantino. (Rona Ronda)