Abante Tonite Interactive

Yeng na-pressure, PH papalag kontra Iran

By
351

Nasorpresa sa Kazakhstan pero ayaw pang isuko ni coach Yeng Guiao ang laban ng Pilipinas sa 2019 FIBA World Cup.

“If you ask me, I’m not giving up our chances,” giit ni Guiao pagkatapos ng 92-88 upset loss ng Pilipinas sa unang laro ng fifth window ng Asian Qualifiers sa MOA Arena Biyernes ng gabi.

Aminado ang coach na may pressure ang team para manalo kontra Iran sa Lunes sa parehong venue.

Abante Hiring – IT dep

“There’s more pressure on us now to win against Iran, so need to beat them on Monday. That’s just part of the process that we have to undertake.”

On target ang shoo­ters ng Kazakhstan mula long range, lalo si Ale­xandr Zhigulin na tumapos ng 30 points mula anim na 3-pointers.

Kumonekta ng 12 overall mula downtown ang Kazakhs, umangat sa 4-5 at humihinga na sa batok ng Pilipinas at Japan na magkabuhol sa third place ng Group F sa parehong may 5 wins at 4 losses.

Nanatili sa second place ang Iran sa 6-3 kahit ipinagwasiwasan ng Australia 76-47 nitong Biyernes din.