Abante Tonite Interactive

Yeng naiskupan sa binibentang NLEX

641

Ikinagulat nina NLEX Road Warriors coach Joseller “Yeng” Guiao at Philippine Basketball Association (PBA) Commissioner Willie Marcial ang pagbebenta ng prangkisa lalo’t nalalapit na ang pagbubukas ng 45th PBA Philippine Cup sa Marso 8.

“Wala pa naman na formal or informal notice na ipinapadala sa akin,”

pahayag ni PBA Comm. Marcial. “Usually, dapat mayroon na ipinapadala sa atin na information, formal or informal if there are such move. But as of now, wala pa naman sa atin na ipinapaalam ang mga official ng team.”

Ipinagkibit-balikat lang ni Road Warriors coach Guiao ang situwasyon kung saan mas minabuti niyang pagtuunan ng atensiyon ang nalalapit na kampanya sa asam na masungkit ang all-Pinoy Cup title.

“Wala pa akong alam. Sino nagsabi?,” sagot ni Guiao sa text message ng TONITE. “Ahh kung ganun, wala sa level ko ang usapan na yan. Mga bossing dapat tanungin mo.” (Lito Oredo)