Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Yeng pinalakas dibdib ng Gilas

0 112

Laro Ngayon: (MOA Arena)
7:00pm — Philippines vs India

Hindi naiwasan ni dating national coach Joseller “Yeng” Guiao magbigay ng pampataas moral na payo sa sasabak ngayong gabi na 11-kataong Gilas Pilipinas na pilit isasalba ang kampanya sa ginaganap na FIBA Basketball World Cup 2023 Asian Qualifiers sa Mall of Asia Arena.

“Ipaglaban man lamang natin ang pride anuman mangyari,” sabi ni Guiao sa programang Power and Play patungkol sa pagnanais ntiong makabangon sa huling nalasap na 46 puntos na kabiguan kontra New Zealand, 60-106.

Sasagupain ng Gilas Pilipinas sa huli nitong laro sa Group A ang India na una na nitong binigo noong Pebrero 25, 2022 sa iskor na 88-64.

Bitbit ng Gilas ang 1-2 panalo-talong record habang 1-3 naman ang kartada ng India.

Nakakasigurado na sa silya sa gaganapin na World Cup 2023 ang Pilipinas bilang host kasama ang karatig nitong bansa na Japan at Indonesia. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.