Abante Tonite Interactive

Yeng sinopla ng nurse

694

NI: RONALINE AVECILLA

Isang masalimuot na bakasyon ang nangyari kina Yeng Cons­tantino at sa asawa nito na si Yan Asuncion. Naaksidente ito matapos tu­malon sa isang cliff diving spot sa Sugba Lagoon sa Siargao.

Aniya, “After nung impact nagka-memory loss sya. Di nya maalala kung nasan kami, paano kami nakapunta sa Siargao at saan kami nagi-stay.”

Matapos dumating ang ambulansya ay naisugod si Yan sa Dapa Siargao Hospital. Hindi na naiwasan ng singer na mag-rant sa kanyang Instagram at ikuwento ang pangyayari sa kanyang Vlog.

Hindi umano na­ging maayos ang serbisyo ng ospital at kinailangan pa nilang maghintay ng ilang oras para matugunan ang panga­ngailangan ng asawa sa mga oras na iyon.

Sa Instagram ni Yeng, ipinakita niya sa isang video habang naghihintay na ma-ope­rate ang aparato na gagamitin para masuri ang ulo ng asawa.

Hindi naman nagustuhan ng ibang netizen ang pamumuna ng singer sa nasabing ospital at sa mga staff nito. Isang nurse mula sa ospital na kung saan isinugod ang asawa niya ang naglinaw ng insidente.

Ani @cesmsantos, “Hello Ms. @YengPLUGGEDin. I am one of the med students who were with the doctor from Gen Luna who assisted your husband when he was rushed in the hospital. We rushed a patient to Dapa and while we were there, our preceptor was called to assist with your husband’s case.”

Aminado ang med student na may kakula­ngan ang kanilang pasilidad pero hindi umano ito rason para mapahiya ang mga doktor at staff. Paliwanag niya, “May mga kakulangan man, hindi po solusyon na pahiyain niyo ang doktor, staff at ospital doon sa social media. Hindi po nakakatulong sa morale sa doktor at staff ng hospital na nagsisilbi doon bagamat mababa ang sweldo at understaffed ang pagpapahiya ninyo sa kanila sa socmed.”

Nilabag rin umano ni Yeng ang batas na nagbabawal sa pagkuha ng litrato o video sa mga hospital staff lalo na at walang kaukulang permiso.

Dagdag pa niya, “Isa pa po, hindi kayo nagpaalam sa amin na ivovlog ninyo kami pero isinama niyo kami sa video na pinost niyo. Diko po inakala na nakuha niyo pa palang magvlog habang nandoon tayo sa loob ng xray room kahit na sabi niyo ay grabe ang pagaalala ninyo. #NotoDoctorShaming.”

Wala lang reaksyon si Yeng tungkol sa paglabag nito sa pagkuha ng video at litrato na maituturing na umanong ‘Cyber Libel’.