Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Yeng umasa kay Olivia

0 316

“Umasa pa naman ako, ” ito na lang ang nasabi ni Yeng Constantino sa post ng isang miss maca na nagsasabing ang album raw niyang Methamorphosis ay paborito ng sikat na international singer na si Olivia Rodrigo. Siya ang nagpasikat ng awiting “Driver’s Licence.”

Sa bandang huli, nalaman ni Yeng na hindi totoo.

Pinagmamalaki pa naman daw ni Yeng sa mga katropa niya sa ML ang balitang ito.

Oo nga naman para mapansin ng isang international singer ang OPM album ay malaking bagay nga naman para kay Yeng.

Espanto may bilboard sa Korea

Marami ang nasorpresa na mga netizen sa digital billboard ni Darren Espanto na matatagpuan sa isang prime location sa tanyag na Myeongdong district sa Seoul, South Korea.

Related Posts

Kahit sa Korea nga ay maraming nagmamahal na fans sa magaling na singer.

Bearwin ‘di nahihiyang magtinda ng corndog

Totoo naman na wala pa ang pandemic hindi na maganda ang lagay ng finances ni Bearwin Meiley.

Ganoon daw yata ang pakiramdam kapag laos na. Wala na rin daw masyadong tanggap na trabaho.Ito ang maemosyonal niyang pagbahagi sa vlog ni Ogie Diaz.

Marami sa comment section ng nasabing vlog ang nakisimpatya sa kanya, na hindi raw pala lahat ng artista ay maganda ang buhay. Lahat talaga lalo na sa pandemyang ito ay dumadaan sa krisis.

Bumilib ang isang netizen sa komedyante dahil hindi ito nahihiyang magtinda ng corndog mabuhay lang ang pamilya niya. Sa dami naman ng mga naging kaibigan niya sa showbiz, si Bayani Agbayani lang ang maituturing niyang hindi siya iniwan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.