Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Yero nilagyan ng pangalan, cellphone number

0 164

Bumilib ang mga netizen sa isang residente na nilagyan ng pangalan at cellphone number ang kanilang yero bilang paghahanda sa malakas na hangin dulot ng bagyong ‘Rolly’.

Nabatid na mula sa Pili, Camarines Sur si Ronnie Sta. Ana na naging viral ang post dahil sa kakaibang paghahanda para sa bagyo.

Aniya, ilang beses na umano kasi silang nawalan ng bubong tuwing may bagyo kaya naman nakiusap siya sa mga makakakuha ng kanilang yero na ibalik ang mga ito sakaling liparin.

Samantala, nakaranas ng malakas na hangin ang rehiyon ng Bicol kasunod ng pananalasa ng bagyo. Umabot ito sa super typhoon at itinaas pa ang tropical cyclone signal warning no. 5 sa Camarines Sur kahapon.

Leave A Reply

Your email address will not be published.