Abante Tonite Interactive

Yes I’m single — Jolo

By
442

tonite-pak-allan-dionesKatambal ni Jolo Revilla si Rhian Ramos sa ‘72 Hours’ episode ng action trilogy na ‘Tres’ na tampok din ang mga kapatid ni Jolo na sina Bryan at Luigi Revilla.

Nang usisain namin kung may love scene sila ni Rhian, bilang normal na ‘yung mga ganu’ng eksena sa action movies, parang hindi sigurado ang sagot ni Jolo at aba­ngan na lang daw.

“Basta, all I can say is ginawa ni Rhian ‘yung best niya. Hindi naman siya umarte. Basta, wala siyang arte,” pakli ng actor-politician, na ayaw pa ring idetalye ang kanilang intimate scene sa ‘Tres’.

Ang laki ng ipinayat ni Jolo kaya gumanda ang katawan niya. Pero wala raw siyang pahubad o pa-abs sa movie, saka na lang daw.

Nali-link sila ni Rhian, pero mabilis na dinismiss ni Jolo ang isyu. Aniya, maganda’t mabait si Rhian at walang masama kung ma-link sila, pero hindi pa raw napapanahon.

Single si Rhian. Siya ba, single din?

Tila nag-buffering si Jolo bago niya kami nasagot ng, “Yes, I’m single!”

Nang pansinin namin na ang pogi niya ngayon, ang ganda ng aura niya at mukha siyang inlab, ang sabi ng 30-anyos na Cavite Vice Governor ay inspired lang siya with work.

Nang tanungin namin kung nagkabalikan ba sila ni Jodi Sta. Maria, natawa si Jolo at ang sabi ay walang ganu’n.

Hindi raw siya inlab, busy lang siya sa trabaho.

Kantiyaw sa kanya ng manager niyang si Tita Lolit Solis, “Bakit hindi mo pa ipagtapat?”

Bakit, nagkabalikan ba ang dalawa?

“Malapit na!” maigting na sagot ni Tita Lolit, na tinawanan lang ni Jolo.

Katuwiran ng binata nina Senator Bong Revilla at Mayor Lani Mercado, private life na kasi niya ‘yon, so ibalato na sa kanya. Basta, malaki raw ang respeto niya kay Jodi at sa pamilya nito.

Ayon kay Jolo, wala siyang ibang minahal after Jodi. Hindi raw siya nag-try maghanap ng iba. Hindi raw kasi agad mawawala ‘yung love niya kay Jods, sa lalim ng pinagsamahan nila sa 8 years na magkarelasyon sila.

“She brought out the best in me,” ang sabi niya patungkol kay Jodi.

Nang alamin namin kung okey sila, ang sagot ni Jolo ay, “I hope so.”

Matagal na pala kasi silang hindi nag-uusap mula nang mag-break sila.

“I’m okay. I’m fine,” nakangiting dayalog sa amin ni Jolo, na sa edad na 35-anyos daw balak mag-asawa.

Si Jodi pala dapat ang leading lady niya sa ‘Tres’ kaya lang ay sob­rang busy nito.

Sa October 3 ang showing nationwide ng ‘Tres’ mula sa Imus Productions distributed by Star Cinema.

Ken crush si Arra

Napapangiti lang ang GMA star na si Arra San Agustin kapag sinasabihan na isa siya sa MGA pinakamagandang Kapuso star ngayon.

Hindi raw makapaniwala ang 23-anyos na dalaga ‘pag sinasabihan siya nang gano’n dahil napakaraming magagandang artista sa GMA.

“Kung sinasabi po nila na isa po ako roon, nagpapasalamat po ako at napaka-flattering po no’n. Pero siyempre, sa tingin ko po, mas marami talagang mas maganda sa akin.

“Hindi ko po kino-consider ‘yung sarili ko (na isa sa pinakamaganda),” nakangiting bulalas ng La Salle graduate na produkto ng ‘StarStruck VI’.

Minsan nang nag-pose nang sexy si Arra para sa FHM kasama ang mga kagrupo niya dati na ‘Bubble Gang’ girls.

Kung may offer sa kanya na magpa-sexy, ang sabi sa amin ni Arra ay hindi naman siya hihindi rito. But as of now, kung anong image daw ang gusto sa kanya ng GMA management ay doon muna siya. Kung anong sa tingin nila ay makakabuti sa kanya.

So, okey sa kanya na magpa-sexy in the future?
“Ako po, okey lang naman. Workout muna ako. Pa-abs muna ako para okey ‘yung pictures. Baka ma-bash, eh!” natatawawang pakli.

Samantala, harap-harapan na sinasabi sa kanya ni Ken Chan na crush siya nito. Very casual daw kasi sila sa isa’t isa at nasasabi nila lahat ng gusto nilang sabihin.

Siyempre ay natutuwa raw siyang crush siya ni Ken, na komportable siyang makatrabaho at walang awkwardness dahil nauna na silang nagkasama sa ‘The Cure’.

Bukod sa mabait at masarap katrabaho, para kay Arra ay si Ken ang pinakamagaling sa mga aktor na ka-age at ka-batch nito. Hanga raw talaga siya sa husay nitong umarte.