Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ynares itinalagang adviser ni Duterte sa Region IV

0 136

Magsisilbi ngayong Presidential Adviser for Southern Tagalog si dating Rizal Governor Casimiro “Ito” Ynares, Jr. matapos itong iupo sa nasabing posisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa appointment paper ni Ynares na pirmado ng Pangulo noon pang December 2020 ay nakasaad na “Pursuant to the provisions of existing laws, you are hereby appointed as Presidential adviser for Southern Tagalog, Office of the President.”

Kasabay ng kanyang pagkakatalaga ay nangako naman si Ito na tutuparin nito ang kanyang tungkulin.

“Isa pong karangalan ang kilalanin at pagkatiwalaan ang isang Rizalenyo at makabahagi sa pagsulong ng mabuting pamamahala sa ating kapwa Pilipino,” pahayag ng bagong Southern Tagalog adviser kasabay ng pasasalamat nito sa Pangulo.

SM food to go Banner Ad

Nagsilbing gobernadora ng Rizal Province si Sec. Ynares ng mula 1992– 2001 at mula 2004–2007.

Nasa ilalim ng Southern Tagalog ang Calabarzon at Mimaropa.

Leave A Reply

Your email address will not be published.