Abante Tonite Interactive

Ynez, Allen nagtsuktsakan sa hagdanan

By
221

Mainit ang ginawang lampungan nina Allen Dizon at Ynez Veneracion sa hagda­nan at kusina! Ganito kasabik ang dalawa dahil kerida ni Allen si Ynez sa pelikulang ‘Jesusa’ na pinagbibidahan ng premyadong aktres na si Sylvia Sanchez.

Aminado si Allen na nanibago siya sa love scene nila rito ni Ynez, dahil matagal na siyang hindi sumasabak sa mga ganitong eksena magmula nang malinya sa mga award winning films at humakot ng acting awards sa iba’t ibang local and international filmfest.

Kuwento ng aktor, “May love scene kami rito ni Ynez, noong simula, parang hindi na ako sanay sa ganoon, eh, parang nanibago nga ako. Parang feeling ko ay baguhan ako ulit noong simula.

“Pero, noon naman…. kumbaga ay sanay na rin naman tayo sa ganyan. I mean, pagdating sa mga hubaran ay lumalabas talaga ‘yung totoong acting, eh.”

Dagdag pa niya, “And talagang kailangan kasi iyon sa eksena, bilib naman ako kay Direk Ro­nald (Carballo) at may tiwala ako sa kanya. ‘Tsaka kailangan na wild ‘yung love scene namin, eh, dahil kerida ‘yung ka-love scene ko bale, eh.”

Sa panig naman ni Ynez, magkahalo ang kanyang naramdaman sa ginawa nilang maiinit na eksena rito ni Allen.
“Noong nag-take na kami, sabi ko, ‘My God, it’s been a while!’

“Daring ‘yung scene, may pumping pa, kaya nanibago talaga ako. Of course dati pa naman sanay na tayo sa ganoon dahil noon pa naman ginagawa ko na ‘yung mga ganyang eksena, pero dahil nga matagal ko nang hindi ginagawa, parang fee­ling ko ay first time ako sa mga ganoon,” sambit pa ni Ynez.

Kasama rin sa Jesusa sina Mara Lopez, Empress Schuck, Malu Barry, Vince Tañada, Mon Confiado, at introducing si Uno Santiago. Prodyus ito ng OEPM (Oeuvre Events and Production Management).