Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ynez mangananak sa August 8

0 109

NONIE NICASIO: Excited na si Ynez Veneracion dahil manganaganak na siya ngayong August.

Sa aming tsikahan sa Tonite L na L, naikuwento niya ang kanyang kasalukyang kalagayan.

Aniya, “Manganganak ako sa August 8, malapit-lapit na.

“Sumabog ang balita (na buntis ako), kasi sa kaka-post ko. Sinubukan ko lang naman magpost… Kasi nagpa-pictorial ako, tapos sabi ko, ‘Ay siyempre gusto ko may remembrance ako rito sa second babay ko’. So nang nagpictorial ako, sabi ko, ‘I-post ko kaya, tignan ko kung ano ang mangyayari?’

“Wala naman, ipo-post ko lang naman, so ayun, nag-post ako. Kasi first time kong mag-post, kasi siyempre hindi ba, minsan lang naman nangyayari sa buhay natin na magkaroon ako ng baby, tapos ay biniyayaan ako ni Lord ng another.”

Na-bash ba siya sa kanyang Darna costume maternity photo shoot? “Hindi naman, wala namang masyado, sakto-sakto lang… Nagtatanong lang sila kung sino ang tatay, mga ganyan. Kasi noong una, akala nila iyong una pa rin ang tatay, pero hindi naman ho.”

Nasorpresa ang lahat dahil may lovelife pala siya? “Oo, may lovelife ako, hahahaha! Siyempre, bababe kasi, eh…

“Non showbiz siya and ayaw ko namang masyadong i-flaunt kasi siyempre yung privacy din niya, siyempre nirerespeto ko ang privacy niya.”

Ayon pa kay Ynez, two years na ang relasyon nila ng father ng magiging baby niya na nagngangalang Bryan Julius Recto.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Related ba siya kay Sen Ralph Recto? “Parang… ang daddy niya at saka si Sen. Ralph ay magpinsan.”

Para na rin siyang si Ate Vi, na may Recto na rin sa buhay niya?

“Iba naman po si Ate Vi, grabe, milya-milya iyon. Ibang level iyon, Ynez lang po ako,” nakatawang saad pa niya.

CHUFFA MAE BIGORNIA : Kabuwanan na sa susunod na buwan ni Ynez.Tinanong nga namin ang naturang aktres kung hindi kumplikado ang kanyang pagbubuntis dahil nasa edad 40 na ito.

“Hindi naman ako magtataka kung buntis ako,Kasi buntisin ako.Nagpi- pills lang ako,2007 nang magbuntis ako nalaglag iyun namatay siya sa loob,Parang kahit 40,43,45 mabubuntis ako kasi talagang buntisin ako,” pakli niya.

ROLDAN CASTRO: Excited na rin ang panganay na anak ni Ynez para sa parating na baby. Noon pa raw ito nagre-request na bigyan siya ng kapatid.

Sigurado raw na hindi magseselos ito.

Anyway, makipag-chiKantahan, tawanan, okrayan sa TONITE L NA L.! Live na live sa Abante Tonite Facebook Page, tuwing Biyernes, 6:45 PM. Guest ngayong gabi si Marlo Mortel at ang mga kandidata ng Mrs Universe.

Talbog!

Leave A Reply

Your email address will not be published.