Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ynna inasar na nganga sa trabaho

0 234

Matagal ding naghintay si Ynna Asistio bago naging leading lady . Umabot din ng 14 years.

Ngayon ay siya ang kauna-unahang bida ng drama series ng NET 25 na ‘Ang Daigdig Ko’y Ikaw’. Magsisimula ito sa Nobyembre 28, tuwing Sabado, 8:00 p.m. at idinirehe ni Eduardo Roy Jr..

Kuwento ni Ynna ipinagdasal niya talaga na magbida. Matagal dumating pero natupad.
Inamin din niya na anim na taon siyang nag-workshop sa ABS-CBN. Yun na lang daw ang ginagawa niya at inaasar pa siya ng mga kapatid niya na puro siya workshop, wala namang trabaho.

Pero nagbunga ang pagtitiyaga niya dahil ngayon ay bida na siya katambal ni Geoff Eigenmann.

“Pinag-pray ko. And I thanked kuya Anjo (Yllana) because if it wasn’t for him, I wouldn’t be here. Pinag-pray ko po talaga ito. Umabot ng halos two or three weeks bago na-finalize na ako na po ‘yung bida. Sabi ko nga po, 14 years sa industry na ‘to, first time kong naka-land ng lead role. And I’m very happy. And I thank Net25 for this opportunity. I’m so excited, “ deklara niya.

Itinuring din niyang malaking challenge ang proyektong ito dahil ngayon lang siya nabigyan ng lead role.

Kasama rin nila sa “Ang Daigdig Ko’y Ikaw” sina Elizabeth Oropesa, Richard Quan, AJ Muhlach, Jiro Custodio,Sheila Marie Rodriguez, Paulyn Ann Poon,Tanya Gomez, Manolo Silayan, Arielle Roces, Anna Mabasa-Muhlach ,Jellex David, at Myrna Villanueva Tinio.
Talbog!

Ex ni Mark willing maging ninang

Tinanong din namin si Ynna kung ayaw pa ba niyang magkaroon ng baby since dalawa na ang anak ng kanyang ex-boyfriend na si Mark Herras.

Buong ningning niyang sinabi ma gusto na rin niyang magpakasal at magkaanak pero sa tamang panahon na ibibigay ni God.

29 na ngayon si Ynna at nasa tamang age na rin para bumuo ng pamilya.

Sinabi rin niya na willing siyang maging ninang ng baby ng ex niya. Wala raw problema kung alukin siya ni Mark dahil magkaibigan naman sila at kilala rin niya si Nicole Donesa.

Anyway, marami na ang nakaabang sa pagdating ng firstborn baby nina Mark at Nicole.

Kaya naman, laking tuwa ng lahat nang ibinahagi ng dalawa ang sonogram ni Baby Corky sa social media!

Sa recent vlog nina Mark at Nicole, ipinasilip nila sa viewers at fans ang naging experience ni Nicole sa kaniyang 4D and Congenital Ultrasound. Kuwento ng DOTS Ph actress, masaya sila na healthy ang kanilang baby, “4D is where we actually see his face and the congenital ultrasound is where we’ll scan and detect kung may mga early abnormalities. The doctor said na matangos ang ilong at mahaba ‘yung lips niya.”

Proud naman si Mark sa posibilidad na siya ang magiging kamukha ng anak. Excited na ang engaged couple sa baby boy nila pero sino kaya talaga ang magiging carbon copy nito?
Pak!

Barbie umapela ng tulong sa Bicol

Muling nagsama-sama ang hosts at ex-housemates ng “Pinoy Big Brother” sa pangunguna nila Toni Gonzaga, Bianca Gonzalez, at Robi Domingo kasama ng dating Big Winners na sina Nene Tamayo, Kim Chiu, Melai Cantiveros, at Maymay Entrata upang tanggapin ang hamon ni Kuya na tumulong sa mga nasalanta ng bagyong Rolly.

Isang virtual reunion ang “PBB Kumunect sa Pagtulong.” Nagkwento sila,nagtanghal, at nanawagan ang ex-housemates sa publiko na magmalasakit sa kapwa.

Ayon sa Season 1 Big Winner na si Nene, kailangang ‘dapat laging bukas ang puso at mga palad na tumulong sa mga kababayan.’

“Importante na palagi tayong maging parte ng solusyon at maging dahilan tayo na maniwala ang mga tao na meron pang kabutihan sa mundo,” ani Nene.

Ipinaalala naman nina Kim, Melai, Maymay, Bianca, at Robi na mahalaga ang pagdarasal para malagpasan ang mga hamon ng buhay.

Samantala, ang tubong Albay na si Barbie Imperial ng programang “Bagong Umaga,” umapila sa viewers na magbahagi ng tulong para unti-unting makapagsimula ang kanyang mga kababayan.

Aniya, wala siyang balita sa kanyang naiwang mga kamag-anak sa Bicol sa loob ng tatlong araw dahil sa kawalan ng signal.

Pinagdasal naman ni “PBB Connect” host Toni Gonzaga ang lahat ng nasalanta na sanay ay makabangon sila sa matinding unos.

Bumuhos din ang mga mensahe ng pag-asa at tulong pinansyal mula sa iba pang ex-housemates na ipapaabot nila sa ABS-CBN Foundation.

May iba namang ex-housemates na naghatid ng saya at inspirasyon sa kanilang song and dance numbers.

May Kumuzens din na nagbahagi ng mga mensahe para lumakas ang loob ng mga apektado ng bagyo na makaahon sa buhay.

Subaybayan ang mga paparating na ganap sa loob ng bahay ni Kuya.

Hindi pa nakakabangon ang mga kababayan nating napinsala ni Rolly, nandiyan din ang nasalanta ng bagyong Ulysses.

Leave A Reply

Your email address will not be published.