Abante Tonite Interactive

Yo, Abando, Nonoy kakayod para sa UST

243

Mga Laro ngayon:
(Ynares Sports Arena, Pasig)
12 p.m. – Valencia City Bukidnon vs CD14 Designs-Trinity
2 p.m. – AMA Online Education vs Family Mart-Enderun
4 p.m. – Ironcon-UST vs St. Clare College Virtual Reality

Maghaharap para sa isang importanteng laro ang Ironcon-UST at Saint Clare Virtual Reality ngayong alas-4 ng hapon sa 9th PBA D-League 2019 eliminations sa Ynares Sports Arena sa Pasig.

Nagsimula nang mahirapan ang kabuhol sa segundo sa Aspirants Group Growling Tigers (5-2) sa mga huling laro gaya ng 92-80 na pagkataobn sa Che’Lu Bar and Grill noong Mayo 6 na nagpadulas sa kanila sa 5-2 win-loss record.

Naiintindihan naman ni Growling Tigers coach Aldin Ayo ang sitwasyon. Pero umaasa siya na mas magiging intact at maganda ang lalaruin nina Soulemane Chabi Yo, Rhenz Abando at Mark Nonoy.

“Yun naman ang inaayos natin, yung sistema. Bata pa rin ang team kaya kailangan namin maranasan yung mga ganitong hardships,” aniya.

Balik-win column naman ang St. Clare (5-2) nang padapain ang McDavid, 93-82, noong Mayo 2.

“Tuloy lang namin ang trabaho namin. Ready kami laban sa UST. Hindi kami pwedeng magpabaya at ibigay lang namin ang best namin,” bigkas ni Saints coach Jino Manansala. (Fergus E. Josue, Jr.)