Abante Tonite Interactive

Yo, UST-Ironcon must-win vs FM

202

Mga laro ngayon:
(Ynares Sports Arena, Pasig)
12 p.m. – FEU vs CEU
2 p.m. – Family Mart-Enderun vs Ironcon-UST
4 p.m. – Diliman College-Gerry’s Grill vs Valencia City Bukidnon-SSCR

Pupupukin ni Ironcon-University of Santo tomas coach Aldin Ayo ang kanyang mga maa-sahang alagad gaya ni rookie Soulemane Chabi Yo dahil kailangang mahakbangan ang sadsad nang Family Mart-Enderun ngayon sa 9 PBA D-League 2019 eliminations sa Ynares Sports Arena sa Pasig.

Nakabitin sa ere ang kapalaran ng Growling Tigers (6-2) sa alas-2 ng hapong game sa FE-E (1-7) na may paghahabol sa no. 2-seed sa Aspirants Group kalakip ang twice-to-beat advantage.

Pero kung matisod, mamamaalam na ang Ironcon-UST sa torneo bunsod ng inferior quotient kontra St. Clare, Go for Gold-CSB, at Che’Lu Bar and Grill na mga barahang 6-3 win-loss record.

Kaya bukod kay Yo dapat mapasingasing ni Ayo sina Mark Nonoy, at Rhenz Abando sa huling asignatura ng Growling Tigers’ sa yugtong ito ng torneo.
“Kailangan namin yung mga ganitong laro para sa maturity ng players namin,” hirit pa ni Ayo.

May kagayang senaryo ang Far Eastern University na kapukpukan ang Centro Escolar University (7-1) sa alas- 12 ng tanghali.

Sa 5-3, dapat ding masuwag ng Tamaraws ang kalaban upang maharbat ang last ticket sa Foundation Group.