Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Yolanda housing sa Ormoc kumpleto na

0 508

Nakumpleto na ng gobyerno ang pabahay para sa mga naging biktima ng bagyong Yolanda sa Ormoc City.

Sinabi ni Secretary to the Cabinet Karlo Nograles na natapos na ng National Housing Authority Region 8 ang 1,419 unit ng pabahay at pormal na itinurn-over kay Ormoc City Mayor Richard Gomez sa virtual ceremony kahapon.

Sinabi ng kalihim na bagama’t patuloy na nakikibaka ang gobyerno sa hamon ng COVID pandemic, nakatakdang i-turn over sa loob ng buwang ito ang iba pang natapos ng housing unit para sa mga bayan ng Cabugcayan, Biliran at Almeria sa mga lalawigan ng Biliran, Tacloban City , Baybay City at Basey, Samar.

Pinasalamatan ni Nograles ang NHA at mga lokal na opisyal dahil sa kanilang kooperasyon para matapos ang housing projects. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.