Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Yoo Su Bin kinalkal ang trip ni Lee Seung Gi

0 86

Winelcome noong Linggo ang bagong cast member ng SBS’ variety show na ‘Master in the House’ (All The Butlers in VIU).

Ang bagong member ay si Yoo Su Bin. Nakilala siya dahil sa kanyang huling drama, ang “Start Up” .Gayundin sa kanyang character sa ‘Crash Landing On You’ bilang isa sa mga North Korean soldier.

Sa mismong bahay niya ginawa ang taping para sa pagpasok niya sa show. Kaya pumunta rito ang regular cast na sina Yang Se Hyung,Kim Dong Hyun at Lee Seung Gi.

Ipinakita rin sa show na tumawag si Yoo Su Bin kay Suzy.

Naging co-star niya ito sa Start-Up at dalawang beses na nakasama ni Seungi sa drama.

SM food to go Banner Ad

Tinanong ni Su Bin kung ano ang pwedeng i-advice sa kanya ngayong magsisimula na siya sa All The Butlers. At dahil alam daw niya na nakasama ni Suzy si Seung Gi. Ano raw ang maisi-share na information sa kanya ng sikat na actress?

Mabilis naman itong sinagot ni Suzy nang, “Lee Seung Gi likes to be praised.”

Nag-agree rin si Yang Se Hyung sa sinabi ni Suzy. Sey nito kung paano, sobrang gustong-gusto ni Lee Seung Gi na napupuri, “Everyone likes being praised, but Lee Seung Gi particularly enjoys it.”

Sabi naman ni Su Bin, “I’ll do my best.”

Ang pinalitan ni Su Bin sa All The Butlers ay ang Idol na si Cha Eun Woo.

Leave A Reply

Your email address will not be published.