Abante Tonite Interactive

Yoon Doo-joon biglaan ang pagpasok sa military

238

tonite-annyeong-rose-garciaLast Friday, August 24 ay nanggulat ang South Korean idol/actor na si Yoon Doo-joon. Na-shock ang mga tagahanga niya dahil hanggang ngayon ay big­laan ang pagpasok niya sa military.

Although, nasa tamang edad na talaga si Doojoon katulad ng ibang Korean male. Dadaan talaga sila sa two years mandatory military enlistment.

Si Doojoon kasi, araw lang ang naging announcement at nag-enlist na. Ang ibang Korean celebrities, taon o ilang buwan ang binibilang bilang paghahanda sa mga fan na pansamantalang mawawala.

Bukod dito, nasa kalagitnaan pa si Doojoon ng kasalukuyang drama, ang ‘Let’s Eat 3’ ng tvN. It’s a 16 episodes drama na nasa ika-12 episodes pa lang ang naipapalabas.

Pero maging ito, masasabing naapektuhan dahil sa biglaang pagpasok nga ni Doo-joon sa military.

Dahil sa nangyari, kinailangang i-cut short na lang ng tvN ang Let’s Eat 3. Instead na 16, hanggang 14 episode na lang ito mapapanood na magpi-finale na bukas, August 28.

Ayon sa agency ni Doojoon, ang Around Us Entertainment, pumasok ito sa 27th Infantry Division sa Hwacheon, Gangwon Province, South Korea.

Bukod sa kanyang pamilya, inihatid din si Doojoon ng kanyang mga kasamahang miyembro sa kanilang boy group na Highlight at ilang company employees ng kanilang agency.

Ang kuwento, nagulat din daw si Doojoon nang makatanggap ng notice for enlistment. Nire-require siyang mag-serve as an active duty soldier.

Unlike his co-member na so Yeseob, si Doojoon ay hindi nakapasa nang kumuha ng exam para maging conscripted policeman, sa halip na military service.

Bago mag-enlist, nag-post ng handwritten letter si Doojoon sa official web page ng agency.

Gayundin sa kanyang Instagram account showing his new military haircut.

“You were surprised right? I was surprised, too. Though not as much as you guys. In order to finally fulfill my mandatory military duty at this old age, I will have to suddenly leave. ‘I wanted­ to go earlier. Because I can finally take some pressure off that burden though, I’m happy.’ ‘The saddest part that really troubles my mind is the fact that I’ll have to leave without saying a proper goodbye to you. My heart hurts a lot.”

Si Doojoon ay nag-debut noong 2009 and since then, non-stop din ang mga proyekto niya as singer and actor.

Isa sa mga huling drama na pinagbidahan niya ay ang ‘Radio Romance’ na ipinalabas mula January hanggang March ng taong ito under KBS.