Abante Tonite Interactive

Yoon Jung umalma na minamanipula ang Mnet show

By
1,045

Passionate ang mga viewer ng Mnet show na ‘Produce 48’ na hindi lamang sa South Korea napapanood kung hindi simultaneous din ang airing tuwing Biyerne­s nang gabi sa iba’t ibang b­ansa, kabilang na ang Japan.

Si Bae Yoon Jung ang isa sa mga trainer ng Produce 48 kunsaan, mula sa 96 combined girls mula sa Japan at Korea para makabuo ng kauna-unahang Japan at Korean girl group na magde-debut sa Korea.

Napapanood namin mula sa pilot episode ang Produce 48 at masasabi naming ang choreo­grapher na si Yoon Jung ang isa sa intense sa mga reaksiyon niya sa ipina­pakitang performance ng mga individual girl.

Napaka-vocal din niya sa pagbibigay ng komento kung sa tingin niya ay palpak o hindi nakakasunod ang mga ito. Pero, makikita mo rin sa reaksiyon niya kapag natutuwa ito sa nagiging improvement ng girls.

Si Bae Yoon Jung ang isa rin sa kinaaliwan naming trainer na kahit nanonood lang kami, parang pati kami ay kabado sa mga reaksiyon niya.

Anyway, dala na rin siguro sa pagiging intense at passionate ni Yoon Jung na konting maling step sa sayaw ng girls ay napapansin niya agad. Isa si Yoon Jung among the trainers.

Related Posts

Kabilang din sina Soyoo at Lee Hong Ki ang naba-bash ng netizen to the point na pinaghihinalaan ang kanilang mga action. Minamanipula umano nila ang Mnet.

Dahil dito, hindi napigilan ni Yoon Jung na mag-react. Idinaan niya ito sa pamamagitan ng kanyang Twitter­ account.
Ayon kay Yoon Jung, wala raw katotohanan ang paratang sa kanya ng netizen.

“I receive so many messages about ‘Produce,’ so I’m letting you know. I’ve never been told what to do by Mnet, and even if I was told to, I’m not someone who would follow.

“I’m working hard on the broadcasts based on my own convictions. I don’t want to be bothere­d by weird rumors that are decided by those who say as they want to think. The girls, trainers, and production team are working hard, so please stop imagining weird things.”

So Bae Yoon Jung ang isa sa mga kilala at maituturing ng respetadong choreographer sa South Korea. Na­ging controversial din nang after two years na magpakasal sa a­ctor na si Jerome To noong 2014. Matunog ang balitang magdi-divorce na sila.

Hindi naman na ibi­nahagi ng agency ni Yoon Jung ang dahilan ng divorce bilang bahagi na raw ito ng personal na buhay ng choreographer.