Abante Tonite Interactive

Yoon Si Yoon nagluluksa sa lolo

0 190

Nagdadalamhati si Yoon Si Yoon sa pagpanaw ng pinakamamahal niyang lolo sa mother side.

Pumanaw ito noong Linggo, September 8. At that time, nagpi-filming si Yoon ng kanyang bagong drama sa tvN, ang “Pyschopath Diary”.

Huminto siya sa pag-shoot at sumugod agad sa Suncheon Medical Center funeral home sa South Jeolla.

Sa mga matagal nang nakasubaybay sa career ng aktor, alam nila kung gaano kalapit si Yoon Si Yoon sa kanyang lolo at lola. Iba ang relasyon ng aktor sa mga ito dahil mula bata pa lang hanggang sa middle school niya, ang lolo at lola na niya ang nag-alaga at nagpalaki sa kanya.

Kung ang ibang mga bata nga raw ay nag-aaral ng kindergarten noon at nag-aaral ng English, si Yoon ay nag-aral sa Seodang ng Confucianism.

Sabi nga niya sa isang interview, “I grew up in a different environment than others, but there was definitely no shortage in the love I received.”

Kinumpirma rin ng agency ni Yoon Si Yoon, ang MOA Entertainment, ang malungkot na balita.

“Yoon Si Yoon’s maternal grandfather has passed away. He headed down to the Suncheon funeral home on the 8th after hearing about it during filming. He is currently watching over the funeral parlor.”

Si Yoon Si Yoon ang bida sa dating popular South Korean drama na “Baker King” at nagkaroon din ng Pinoy adaptation sa TV5. Naging member rin siya ng 3rd season ng variety show na “2Days1Night”.