Abante Tonite Interactive

Yoon Sung-Jae, Jung Joon-Young inspirasyon ng K-idol finalist

By
1,705

Bago ginanap ang fan meeting ng BTOB member at maknae ng SBS’ variety show na ‘Master in the House’, na si Yoon Sung-Jae ay humarap muna ito sa ilang member of the press at mga blogger. Ginanap ang presscon ng VIU at Globe sa Vertis Tent noong Biyernes nang umaga.

Kasama ni Sung Jae sa presscon ang miyembro naman ng 2D1N na si Jung Joon-Young.

Tinap ng VIU at Globe ang dalawang Korean star bilang mga inspirasyon ng mga K-idol finalist. Mapapanood sila sa first VIU original reality show sa bansa.

Ang country ma­nager ng VIU Philippines (halos karamihan ng K-drama, K-variety shows at K-films ay napapanood dito) na si Arianne Kader-Ciu ay nagpahayag na, “Our dream of producing an online rea­lity show has come into fruition with Hello K-Idol. Reality shows are a dime a dozen on television, but with our first VIU original in the country, we wanted to create something special by nurturing and honing Filipino talent with the help of their real-life idols on an international platform.”

Dugtong pa niya, “With over 15 million Filipinos interested in Korean entertainment, we hope they can relate and stand by the K-trainees in their journey to fulfilling their K-pop dreams.”

Hindi nga raw imposible na makapag-debut din ang mga ito sa Korea.

Ang 10-week challenge ng mga K-Idol ay mapapanood sa VIU. Ilan sa pa­nel na magsisilbing mentors nila ay ang Korean singer na si Jinho Bae, Korean professional dance artist na si Dasuri Choi.
Ang grand finale ay sa September 2018.