Abante Tonite Interactive

Yoona crush si Jasper

0 211

Hindi na kami magugulat kung mali-link ang Girls Generation na si Yoona sa Taiwanese actor na si Jasper Liu.

Unti-unti na ring nakikilala sa South Korea si Jasper lalo na sa pelikula nitong “More than Blue”. Naging hit ito sa nakaraang 23rd Busan International Film Festival. Ginawaran din si Jasper bilang “Face of Asia.”

Isa si Jasper sa duma­lo sa ginanap na Asian Artist Awards. Nanalo siya ng Choice Award.
Dito sila nagkaroon ng pagkakataon na magkakilala ni Yoona.

Abante Hiring – IT dep

Nagpasalamat si Jasper kay Yoona dahil sa laki raw nang naitulong nito sa kanya during the awards night. Nagsilbing interpreter si Yoona para kay Jasper, huh! Dahil hindi pa naman marunong sa Korean language, tina-translate raw ni Yoona kay Jasper ang mga ganap sa AAA sa Chinese.

Mismong si Jasper ang nag-post sa kanyang social media account ng pasasalamat sa SNSD member.

Sa isang banda, nang magkaroon ng fan mee­ting si Yoona sa Taiwan ilang buwan lang ang nakararaan, tinanong ito ng host kung sino sa mga Taiwanese stars kung saka-sakali ang gusto ­niyang makasama.

Dito ni-reveal ni Yoona na pareho raw sila ng isang pang SNSD member na siu Hyoyeon na may crush kay Jasper.

Sey ni Yoona, “Actually, Hyoyeon is the one who likes him very much,” she continued. “But I also watched him in Take Me to the Moon and really liked the feel of that movie. I hope to be able to work with him in the future.”