Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Yoona, Kim Seon Ho bagong magpapakilig

0 64

Noong isang linggo lang ay lumabas ang balitang kinokonsider ng South Korean actor na si Kim Seon Ho ang unang movie na gagawin niya ay ang “Sad Tropics”. Naging balita nga na diumano’y ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera raw ang gaganap na Filipina mother.

Pero kahapon, biglang bumulaga sa mga entertainment news site na tila kumpirmado na ang gagawin na movie ng actor. Hindi na Sad Tropics kundi isang romcom movie. Ang magiging leading lady raw niya ay Girls Generation’s member na si Yoona.

Ang title ng movie ay “2 O’clock Date.”

Kuwento raw ito ng isang babae na may malupit na sikreto at sa isang lalaki na nakatira sa ibaba ng floor na tinitirhan naman ng babae. Ang director ng movie ay ang same director ng hit movie ni Yoona na “Exit.”

Posible kayang isa sa naging consideration ng agency ni Seon Ho ay ang magandang response nang mag-perform sina Seon Ho at Yoona sa nakaraang 2020 MBC Music Festival ? Kumbaga, itutuloy na ito sa pagiging magkapareha sa movie?

So far, wala pang balita kung matutuloy pa rin ba si Seon Ho sa unang movie na napabalitang gagawin niya, ang Sad Tropics nga. Ang 2 O’Clock Date ay sa March 2022 pa raw ang start ng filming.

Pero sa ngayon, abala pa ito sa kanyang variety show na 2D1N .Ganoon din sa kanyang hit drama na “Hometown Cha-cha-cha.”

Walang duda, si Kim Seon Ho nga ang isa sa in-demand Korean actor ngayon.

Leave A Reply

Your email address will not be published.