Abante Tonite Interactive

YoonA ng SNSD ‘nagamit’ ng isang appliance brand!

By
0 2,315

MAY mga nawala man na member ng Girls Generation o SNSD, ang center ng grupo na si YoonA ay nanatiling loyal at solid member ng isa sa pinaka-pioneer at kilala internationally na South Korean girl group.

Maraming ibinigay na dahilan ang SM Entertainment kung bakit sa lahat ng miyembro ng Girls Generation, si YoonA ang tumatayong center ng grupo sa loob ng ilang taon na rin.

Una na raw pinagbabasehan dito ang popularidad na meron ang bawat individual member.

Si YoonA ang isa sa mga unang naka-crossover mula sa pagiging singer sa pagiging isang South Korean actress sa kanilang lahat.

Bukod dito, si YoonA rin ang isa sa mga pioneer trainee ng SM Entertainment even before the birth of SNSD o Girls Generation at siyempre ang iba pang achievements na nagawa na niya.

Sa isang interview ni YoonA years back, inamin niya na iba ang pressure na nararamdaman niya being the center.

“At the beginning, I felt a lot of pressure and was worried. However, I gradually got used to it. Later on, the members yielded the center position to me.”

Sa ngayon, si YoonA ang pumalit sa variety show na “Hyori’s Homestay 2” bilang part-time worker. ‘Yung mga trabahong iniwan ni IU tulad ng pagpi-prepare ng breakfast para sa mga customers at naglilinis.

Kasama niya rito sina Lee Hyori at Lee Sang Soon sa unang pagkakataon.

Sa first episode ni YoonA na ipinalabas noong February 4, nagdala raw ito ng waffle iron at gumawa ng waffle kunsaan, pinuri nina Hyori at Sang Soon at sinabing puwede niyang gawing negosyo ang ginawang waffle.

Pagkatapos ng naturang episode, isa sa most search ang waffle iron na ginamit ni YoonA tulad sa mga online sites na Naver at Daum. At kinabukasan din, February 5 at 1:30 K.S.T. sold-out na ang waffle iron sa online shopping na Coupang.

May ilang nagduda na baka raw sinabi lang na dala ni YoonA ang naturang waffle iron, pero ad placement pala ito sa show. Pero pinatunayan mismo ng producer ng show na kay YoonA talaga ito.

Ayon sa producer, “It’s something that YoonA bought a long time ago and has been using, but she bought a new one to give to Lee Hyori recently. Even I ended up buying one after watching the show during the editing process.”

After nga raw ng broadcast, number one na among the kitchen appliances ang waffle iron at ang brand nito sa social commercial website. Patunay lang daw na hanggang ngayon, isa si YoonA sa popular na K-pop and K-actress.

Sa mga hindi nakakaalam, si YoonA ang huling napabalitang girlfriend ng Hallyu star na si Lee Seung Gi, pero bago pa man ito pumasok ng military, nabalita na rin na nag-break na sila.