Abante Tonite Interactive

Yorkie pinakamaliit na uri ng aso

171

Ang PEREGRINE falcon ang itinuturing na pinakamabilis na ibon. Kaya nitong lumipad sa bilis na 168 hanggang 217 milya kada oras.

***

Si HANS LANG­SETH ang nakapagtala­ ng may pinakamahabang balbas sa sukat na 17 at kalahating talampakan.­ Inilagak ang naturang balbas sa Smithsonian Institute noong siya ay namatay.

***

Ang North African ­Ostrich ang naitalang may pinakamalaking itlog. Ang isang itlog nito ay may ­katumbas na 25 itlog ng manok. Kinakailangang ilaga ito ng dalawang oras para maging hard-boiled egg at kaya nitong busugin­ ang 18-katao kapag niluto ng scrambled.

***

Ang may pinakamaliit­ na itlog ay ang HUMMINGBIRD na may ­sukat na .39 pulgada ang diameter.

***

Ang BLUE WHALE ang itinuturing na pinakamalaking hayop sa karagatan. Ang sukat nito ay umaabot sa 100 talampa­kan ang haba at kayang tumimbang ng 150 tonelada.

***

Si WILT CHAMBERLAIN ay nakapagtala ng 100 points sa isang basketball game noong 1962 sa kanyang team na ­Philadelphia Warriors

Related Posts

***

Ang itinuturing na pinakamaliit na pusa ay ang SINGAPURAS na tumitimbang lamang ng apat na libra.

***

Ang YORKIE ang naitalang pinakamaliit na uri ng aso na may taas na apat na pulgada.

***

Ang unang SURGEON na nakapagsagawa ng open heart surgery ay si Dr. Daniel Hale Williams. Noong 1893, ­naisalba ­niya ang buhay ng isang nasaksak na pasyente sa puso nang walang tulong ng anumang modernong medical devices tulad ng x-ray.

***

Ang isang tao ay nagtataglay ng 300 uri ng buto sa kanyang katawan kapag ipinanganak, buma­baba ito sa bilang na 206 kapag tumanda na.

***

Alam ba ninyong si THOMAS EDISON na isang sikat na imbentor ng bumbilya ay takot sa dilim.