Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Yorme ilalaban na presidente

0 101

Itutulak ng grupong Ikaw Muna (IM) Pilipinas na kumandidato sa pagka-pangulo si Manila Mayor Isko Moreno sa 2022 elections.

Isasagawa ito sa paglulunsad sa grupo ngayong Biyernes, Hulyo 2, sa University Hotel sa UP Diliman, Quezon City.

Ang IM Pilipinas ay isang nationwide movement diumano ng mga sectoral group, civil society organization, religious group, academe, fraternity at mga dating local official.

Naniniwala ang grupo na si Moreno ang “next best president” sakaling magdesisyon umano itong tumakbo sa 2022 presidential elections.

Ilalahad ng grupo ang kanilang mga dahilan kung bakit tingin nila’y “best president” kung sakali si Moreno sa paglulunsad ng IM Pilipinas ganap na alas-otso ng umaga.

Pangungunahan ang pagtitipon ni dating Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) general manager at IM Pilipinas lead convenor Tim Orbos. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.