Abante Tonite Interactive

Yorme Isko magmo-model ng brief

985

Naaliw-aliw na naman kaming katsikahan si Manila Mayor Isko Moreno, na naka-bonding namin last weekend sa bahay ni Ms. Pops Fernandez sa BGC.

Post-birthday dinner kasi ‘yon para sa manager-discoverer ni Yorme na si Daddie Wowie at kahit sobrang busy siya ay hindi talaga niya nakaligtaang dumaan para batiin ang isa sa pinagkakautangan niya ng malaking utang na loob.

Sa January 25 pala ay 27th anniversary na ng pagkaka-discover ni Daddie Wowie kay Isko sa isang lamayan sa Tondo.

Bukod kay Daddie Wowie ay hindi kinakalimutan ni Yorme na isa ang nasirang German Moreno sa mga naging dahilan kaya siya nakapasok sa showbiz at nakilala bilang artista.

Ngayon ay isa nang classic success story ang nangyari kay Isko na mula sa pagiging maralitang Tondo boy, ngayon ay alkalde na ng Lungsod ng Maynila.

Actually, hindi rin makapaniwala si Daddie Wowie na ‘yung patpatin at gusgusing bagets na kinupkop niya at binihisan almost 30 years ago ay hindi lang magiging sikat na artista kundi magiging sikat din na politiko balang araw.

Nakyutan kami sa chika ni Mayor Isko na naikuwento niya raw kay Mr. Ben Chan ng Bench na kahit nu’ng mahirap pa siya at walang pera ay bumibili talaga siya ng Bench underwear.

Aniya, sikat kasi noon ang briefs ng Bench na si Richard Gomez ang endorser kaya ‘yun talaga ang binibili niya.

Ang dinig namin ay kinukuhang endorser ng Bench Body underwear si Yorme at mukhang payag naman siya. Pero siyempre ay hindi siya paghuhubarin, na briefs lang ang suot. Ha! Ha! Ha!

Actually, puwede rin siya sa Bench Fix bilang paborito pala niya ang mga hair products ng Bench.

Kamakailan lang ay kinuhang Benchsetter ang guwaping na anak ni Isko na si Joaquin ‘JD’ Domagoso na nagsu-showbiz na rin.

Isa si JD sa mga guest sa 7-night Valentine show nina Pops at Martin Nievera na “Twogether Again”, kaya inimbita ni Pipay na manood si Yorme sa The Theatre at Solaire.

Donasyon ni Bea binuking ni Angel

Kasama si Bea Alonzo sa mga nag-donate sa relief operations na pinangunahan ni Angel Locsin kamakailan para sa mga naapektuhan ng pagsabog ng bulkang Taal.

Inilabas kasi ni Angel ang kumpletong listahan ng mga nagbigay ng donasyon para raw may accounting at malinaw sa mga nag-donate kung saan napunta ang mga tulong nila.

Sampung sako ng bigas, tatlong kahon ng noodles at tatlong kahon ng crackers ang ilan sa mga pinadala ni Bea, na malapit na kaibigan ni Angel.

Ang fiancé ni Angel na si Neil Arce ay P51K worth of groceries ang donasyon, at saka rental for 3 days sa tatlong 6-wheeler truck na ginamit nila sa Batangas.

Nakalista rin ang mga binigay ni Angel at siyempre ay sa kanya ang pinakamalaki.

P1.5M worth ang inabot ng donasyon ng Kapamilya actress na ang bulto ay napunta sa groceries (P900K), 250 sako ng bigas (P357K) at sa N95 masks na galing Hong Kong (P48K).

Nakalagay rin sa listahan ang ginastos nila sa food and drinks for 3 days, pati na ang binayad sa gasolina at toll fees.

Kabilang naman sa mga nag-volunteer na ‘yung iba ay magdamag na nag-repack, nagbuhat at nag-distribute ng goods ay sina Agot Isidro, Bubbles Paraiso, Boy 2 Quizon at Ehra Madrigal.

Ayon pa sa report ni Angel, nakapag-distribute sila sa 3 evacuation centers na malimit na mapuntahan at nakapaghatid tulong din sa isa pang evacuation center.

Nagbigay rin daw sila ng 2 truckloads ng ‘ready to distribute’ goods sa Red Cross Batangas Chapter na may kakayanang maunang rumesponde sakaling mas lumala pa ang sitwasyon.

“Sana po maski paano, nakagaan po ito sa hirap na nararamdaman ng mga apektado sa sakung ito. Karamay n’yo po kami,” sabi pa sa kanyang post ni Angel, na talaga namang hahangaan mo sa kanyang kabayanihan.

Bukod sa umaabot ng milyones ang nagagastos ni Angel sa mga ginagawa niyang kusang-loob na pagtulong ay hindi biro ‘yung team effort at lahat ng pagpapakapagod nila sa mga ganitong relief mission.

Kaya dapat talagang gawing halimbawa, pamarisan at papurihan ang mga mapagkawanggawa at bukas-palad na katulad ni Angel at ng kanyang team.

PAK!!