Abante Tonite Interactive

Yorme Isko tinangging naging sila ni Claudine

0 849

Itinanggi ni Yorme Isko Moreno ang tsikang nagkaroon sila ng relasyon ni Claudine Barretto. Isa kasi ito natanong sa alkalde ng Maynila sa guesting niya sa “Gandang Gabi Vice” aired last Sunday.

Ayon kay Yorme ay nagkatrabaho lang daw sila ni Claudine before.

“With due respect to Miss Claudine Barretto, hindi naman. We were partners in movies and we belong to one film outfit, which is Seiko Films,” sey ni Yorme.

Tinanong ni Vice Ganda kung hindi ba niya niligawan si Claudine at aniya ay hindi naman pero nagbigay lang daw siya ng flowers.

“Nagbigay ako ng bulaklak kasi sinabihan ako ni Boss Robbie (Tan of Seiko Films),” sey ni Yorme.

Pero aminado ang dating miyembro ng That’s Entertainment na medyo nakaramdam daw kasi siya ng pagka-insecure noon dahil nagsisimula pa lang daw si Claudine that time at maayos daw ang buhay.

Work lang daw talaga ang namagitan sa kanila ni Claudine at walang anumang “something.”

Angelica proud kay Glaiza

Proud best friend si Angelica Panganiban sa pagkakapanalo ni Glaiza de Castro bilang Best Actress para sa pelikulang “Liway” sa katatapos lamang na 37th Luna Awards.

Nag-post ng shout-out si Angelica para kay Glaiza at halatang masayang-masaya siya para sa kaibigan.

“Pinaka mahusay na aktres yung amigah ko. Alam naman niya kung gaano ako ka proud sa kanya. Gusto ko lang talaga malaman niyo na BESTFRIEND ko yung best actress. I love you jan ha? Congrats bata!” ang caption ni Angelica.

Pinuri ng mga netizen ang true friendship nina Glaiza at Angelica na masaya sa success ng isa’t isa. Ang nakakatuwa, binabati rin si Angge ng mga netizen para naman sa ganda ng pelikula nitong “Unbreakable” at sa mahusay na pagganap ng aktres.

Jomari pinapadiretso sa impiyerno

May bago na namang pahayag ang ex-girlfriend ni Jomari Yllana na si Joy Reyes laban sa aktor ang this time, mas matindi ang mga pananalita niya’t kulang na lang ay isumpa niya ang dating karelasyon at ama ng kanyang dalawang anak na sina Ayrton and Fangio Yllana.

“Every single moment you spend with your other woman, let it be known that those moments are supposed to be spent on your sons. Wherever you are, whatever you do, whatever time it is, let everyone who sees you, disgustingly stares at you knowing that you are preferring to be with your other woman than to be with your own children.

“Common sense and a humane heart will tell you that you don’t need the technicality of the law to know that if you’re the one who convinced someone to give up her job for you, you have the moral accountability to help her get it back or at the very least, assist her while she is fixing the damages that you caused. Pagreresignin mo, tatanggalan mo ng trabaho tapos iiwan mo at gusto mo bahala na sya mamrublema sa mga personal na kailangan nya habang nagwawaldas kayo ng babae mo.

“SO SANA, PAGKATAPOS DUMAAN NG SPORTSCAR NINYO SA DAAN NA NAGKUKUNWARING MATUWID AY DUMERETSO NA RIN ITO SA IMPYERNO… KASAMA NG MGA MAKAKATING BABAENG NANINIRA NG PAMILYA AT MGA BABAERONG NAPAKAHUSAY MAGSINUNGALING… NAPAKAHUSAY MAGPABAYA AT NAPAKAHUSAY NA MANALBAHE…. IKAW NA!!! IKAW NA ANG PINAKATANGANG PADRE DE PAMILYA SA KASAYSAYAN NG PILIPINAS!!!!” ang mahabang pahayag ni Joy sa kanyang Instagram account.

Hindi ito ang unang pagkakataon na naglabas si Joy ng kanyang sama ng loob kay Jomari. Last week ang una niyang rebelasyon kung saan ay sinabi niyang nag-cheat umano ang aktor sa kanya at hindi sinusustentuhan ang dalawa niyang anak.

Up to now ay nananatiling tahimik si Jomari tungkol sa akusasyon ng dating karelasyon.