Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Yorme, Joed, Mother Lily, Victor patalbugan sa takilya

0 789

ROMMEL PLACENTE: Isinalin ang buhay ni Isko Moreno sa pelikula via Yorme:The Musical.Dahil.Sikat na sikat kasi siya ngayon bilang Mayor ng Manila, Si McCoy de Leon ang gaganap na batang Isko.At si Xian Lim bilang adult Yorme under Saranggola Productions.

Very interesting ang buhay ni Yorme bilang laking Tondo kaya siguradong panonoorin ito.Nagsimula sa hirap, nangangalakal at nagpupulot siya noon ng mga basura para ibenta. At dahil gwapo na-discover ni Daddy Wowie Roxas sa isang lamay.Naging member ng ‘That’s Entertainment’.

And eventually ay pinasok na rin ang politika.Nagsimulang konsehal hanggang maging alkalde. O di ba,mga ka-Cuatros,ang layo na ng narating ng isang dating mahirap lang? Hindi naging hadlang ang kahirapan para marating ang kinalalagyan niya ngayon.

RODEL FERNANDO: Sa totoo lang madrama rin ang buhay ni Victor Wood lalo na ups and down niya sa buhay. Noong panahon ng kasikatan niya ay talaga naman na walang katapusang palakpak at tagumpay ang tinatamasa niya. Pero dumating din ang panahon na lumamlam ang kanyang career. Maski ang mga record producer ay nakasamaan daw niya ng loob.

Ang pagsasapelikula ng kanyang buhay ay malapit nang mapanood na ginawa ng EBC Films. Jukebox King: The Life Story of Victor Wood ang title ng movie na pinagbibidahan ni Martin Escudero. Napakakulay rin ang kanyang buhay pag-ibig at marami ang makaka-relate dito. Aabangan din ang naging struggle niya bago naging matagumpay na singer. Para sa akin isa ito sa mga biopic na dapat abangan kumpara sa iba.

MILDRED BACUD:Perfect choice para sa mga Monteverde ang pagpili kay Judy Ann Santos bilang Mother Lily.

Karangalan para sa aktres ang gampanan ang Regal Entertainment Matriarch. Hindi raw matatawaran ang brilyo, passion at pagmamahal ni Mother Lily sa showbiz industry.

Isang malaking karangalan daw na sa pamamagitan ng pagganap sa role bilang si Mother Lily ay lubusan pa siyang makilala ni Juday.

Tingin ko mga ka- Cuatros mabibigyan ng aktres ng hustisya ang role niya bilang si mother dahil wala naman kuwestiyon ang husay ng aktres sa pag-arte.

Malaki naman talaga ang naging kontribusyon ni Mother Lily sa showbiz industry kaya ang pagsasabuhay ng kanyang istorya via biopic ay magiging inspirasyon. Wala pa kaya ang Star Cinema at ibang movie outfits ay namamayagpag na ang Regal Films. Hindi man sila ganon karaming mag-produce ng pelikula ngayon kumpara dati, hindi pa rin naman sila nawawala.

Related Posts
SM food to go Banner Ad

ROLDAN CASTRO: May isang friend na nagtanong sa akin kung aling movie ang mas interesting at papanoorin ng tao sa apat na biopic nina Joed Serrano,

Yorme,Mother Lily at Victor Wood.

Feeling ko patalbugan ang mga ito sa takilya.
Hindi rin pahuhuli ang life story ng mega producer na si Joed Serrano na nakatikiman ng bading na Senador, matinee idol, hunk actor, talent manager hanggang movie reporter.

Makulay ang buhay niya na galing din sa hirap.Bet ng mga manonood ang ganitong genre.

Magkakaiba ang kuwento ng apat na nabanggit.Mas hot kay Joed na gagampanan ni Wendell Ramos at si Charles Nathan bilang young Joed.

Iba rin ang pelikulang “The Loves, The Miracles and Life of Joed”.Walang pretensiyon.Istorya ito na maraming rebelasyon.

Ang ganitong tipo ng pelikula ay pag-iinteresan ng tao dahil may kasamang paglalantad tungkol sa sex.

Pero sana pare-parehong kikita ang mga pelikulang ito para masaya lahat.

Talbog!

Leave A Reply

Your email address will not be published.