Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Yosi Kadiri

0 108

Mga ‘No Smoking’ signage ang bubungad sa entrada ng barangay hall ng Tanauan at Paradahan dito sa bayan ng Tanza, Cavite.

Pati barangay health stations, tinadtad din ng mga karatula na nagbabawal sa paninigarilyo.

Bahagi ito ng muling pagbuhay ng Rural Health Unit – Tanza sa ordinansang nagbabawal sa yosi higit lalo sa mga pampublikong lugar gaya ng tanggapan ng gobyerno.

Sa mga opisina ng RHU Tanza ito sinimulang ipatupad at planong palawigin sa iba pang government offices.

Hindi lang yosi ang bawal. Pati ang paggamit ng vape sa loob ng opisina, hindi rin pahihintulutan.

Ayon kay Dr. Ruth Punzalan, Municipal Health Officer – Tanza, “We started our program with the main health center for all RHU staff. Meron kaming ginawang seminar on how to stop smoking. Ini-implement naman ito, ‘yung mga kasamahan naming naninigarilyo ay may pledge of commitment na hindi na maninigarilyo and we plan to expand it to other offices ng munisipyo.”

SM food to go Banner Ad

Sa ilalim ng Universal Health Care Act of 2019, binibigyang kapangyarihan ang mga lokal na pamahalaan na higpitan ang mga ordinansang nagbabawal sa pagyoyosi.

Bukod pa ito sa utos ng Civil Service Commission at DOH na panatilihing 100% ‘smoke-free’ ang government premises.

Hindi lang sa mismong humihithit masama ang yosi, kundi maging sa nakalalanghap ng usok nito o tinatawag na secondhand smoke.

Maraming sakit ang puwedeng makuha sa pagyoyosi gaya ng sakit sa puso, sakit sa baga at kanser.

Kaya paulit-ulit ang paalala ng mga medical expert na mapanganib sa kalusugan ang sigarilyo.

Paglilinaw ni Dr. Punzalan, magkakaroon ng designated smoking area sa mga tanggapan ng gobyerno sa Tanza LGU kung saan pahihintulutan ang yosi break ng mga empleyado.

Ang sa akin lang, hindi sana maging ningas cugon ang gaya nitong ordinansa. Ibig sabihin, tuluy-tuloy at strikto sana itong ipatupad para sa kapakanan at magandang kalusugan ng bawat mamamayan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.