Abante Tonite Interactive

Yosi ni Lucio Tan uubusin ng tax ni Duterte

By
1,159

Itutulak ng adminis­trasyong Duterte ang pagtaas ng buwis sa sigarilyo upang mabawasan ang bilang ng naninigarilyo sa bansa at mapondohan ang universal health care program (UHC), ayon kay Health Secretary Francisco Duque nitong Miyerkoles.

Sa isang press conference sa Pasay City, sinabi ni Duque na prayoridad ito ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte kaya’t nakiki­pagtulungan sila nga­yon sa Kamara at Senado para mabilis ang pagpapatibay ng panukala.

May dalawang panukalang batas ang nakabinbin sa Senado. Ito ang Senate Bill 1599 ni Senador Manny Pacquiao at Senate Bill 1605 ni Senador JV Ejercito na magtataas ng unitary excise tax sa sigarilyo sa P60 hanggang P90.

“Iyung tobacco tax na P32.50 hindi man lang masasaktan ang tobacco companies niyan. But we are still determined to push for it dahil may kulang pa rin sa funds para ma-achieve ang ge­nuine health cove­rage. May shortage pa of about P50 billion,” paliwanag ni Ejercito.

Isa sa tatamaan ng panukala ang Fortune Tobacco Corporation ng bilyonaryong si Lucio Tan.