Abante Tonite Interactive

You don’t have to beg for love — Kim

#IMO (in my opinion)

By ,
2,085

Nabangga si Kim Chiu noong Huwebes ng gabi base sa ipinost niya sa kanyang IG Story at base sa pagkakasunod-sunod ng post niya, tila naganap ito bago siya pumunta sa pa-block screening nila ni Angel Locsin para sa pelikulang ‘I Love You, Hater’ na ginanap sa SM Aura.

Post ni Kim, “omg!!!! Binangga kami!! Ayaw pa magbigay ng drivers license and company id nung driver!­ oh m g!! baka naka colorum yung bus nila!!! LTO please do something to this kind of bus company!!!”
Kinunan din ng video ni Kim ang mukha ng driver na walang lisensya at company id.

Hindi na ikinuwento ni Chinita Princess kung ano ang kinahinatnan ng usapan nila ng driver dahil ang sumunod niyang video post ay kasama na niya si Kris at nasa block screening na sila.

Abante Hiring – IT dep

Nag-post din siya ng pagbati sa pelikula at aniya ay sobrang ganda raw ng film.

“#satruelang I LOVE YOU HATER is a great movie!!! a story full of love and lesson! love for family, love for someone, love for oneself, love for the people around you, and that you dont have to beg or ask for love it should be given to you!!! congrats @garciajoshuae kiligs kayo!! @juliabarretto nagpasabog ka ng galing dito sa movie nato!!! solid!super!!! and to ate @krisaquino madam sasha is very you! you care for the people around you, its not about glitz and glamour behind it meron ding dinadala that scene with tito @ron_delval was so !!! congrats to the entire team!!! dont miss #iloveyouhater in cinemas nationwide!!!! hi ate @therealangellocsin,” ang caption ni Kim sa larawan nila nina Kris, Bimby, Angel and Julia Barretto.

Angel, Kim nagpa-block screening para kay Kris

Abot-abot naman ang pasasalamat ni Kris kina Kim and Angel sa pag-e-effort ng dalawang aktres para magpa-block screening sa ILYH.

“I could not ask for more… HINDI AKO NAGKAMALI SA MGA MINAHAL KO. Kahapon sa gitna ng nerbyos dahil sa pagdadaanan ni kuya josh, @therealangellocsin & @chinitaprincess back to back ang text & viber sa kin na may pinlano daw sila for me.

“Sa effort nila for me, @igisellle & @juliabarretto – we feel so #loved… opo sa mundo namin na madalas kaming husgahan kahit hindi kami personal na kilala, marami pong totoong nabubuong pagiging MAGKAIBIGAN… kapag tinatanong kami nila kuya & bimb kung ano ang na mi-miss namin sa hindi na pagiging KAPAMILYA- ito po yung totoo- yung mga tinuring akong ATE nila- sila po ang sobrang nakaka MISS, yung wri­ters & producers ko lalo na po sa TALK unit, yung mga cameramen ko sa Kris Tv, si @kbrosas& si @itspokwang27, ang Ninong Deo, Ninong Boy, and Ninang Cory ni Bimb,” bahagi ng post ni Kris.

Ibinahagi rin ni Kris na okay na siya at hindi man sabihin, kung last week ay nakita natin ang kanyang mga ‘emote’, ngayon ay tila masaya na siya base sa kanyang post.

“Hindi nabubura yung 20 years of beautiful memories na naibigay sa kin nung naging bahagi po ako ng ABS-CBN… so sa mga followers ko dahil sa naramdaman kagabi dahil sa nagawa ni tito Noy para kay josh- OKAY na po ako na minsan ang pagiging kapamil­ya ang tumupad ng lahat ng pinangarap ko. Okay na po ako sa nakaraan dahil AT PEACE na po ang ngayon.

“Sabi nga ni Sasha: We cannot force someone to love us, but we can choose to force ourselves to keep on lo­ving. AND I CHOOSE LOVE. #satruelang,” pagtatapos ng post ni Kris.