Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Young actor, beteranong komedyante tinamaan ng Covid-19

0 1,069

ROMMEL PLACENTE:Diyos ko mga ka-Cuatros!Ayaw paawat ang Covid-19. Sige siya sa pamumuksa.Wala talaga siyang sinasanto,lahat pwedeng tamaan.

Gaya ng isang young actor,balita namin ay dinapuan umano siya ng virus .

Shocked nga kami sa aming nalanan kung paano siya nagkaroon. Sa pagkakaalam kasi namin ay talagang maingat siya sa sarili Sinisiguro niya na pag lumalabas siya ay talagang naka-face mask at face shield siya At talagang ino-observe niya ang social distancing,bukod pa sa kumpleto siya ng vitamins sa katawan. At agad naliligo pag-uwi ng bahay after ng kanyang showbiz commitments.Pero heto nga at tinamaan pa rin siya ng virus. Ang young actor na tinutukoy ko ay nagbida na sa isang serye.

Ipagdasal natin ang agaran niyang paggaling.

RODEL FERNANDO : Lalo pang bumagsik ang kamandag ng Covid sa Pilipinas .

Sa showbiz, ramdam na ramdam din ang pagpinsala nito dahil marami na ring taga-entertainment ang dinadapuan ng sakit. Bukod sa nabanggit mo kasamang Rommel, tinamaan din ng virus ang beteranong komedyante na ngayon ay nasa ospital at nagpapagaling. Sana ay ipanalangin siya ng kanyang mga anak na matagal na niyang hindi nakakasama..

Nasa hospital na rin ang isang aktres na malapit sa isang komedyante. Nananawagan ang kanyang mga kaibigan na isama siya sa panalangin para gumaling sa sakit. How true na maraming staff ng kinabibilangan niyang serye ay nagpositibo rin sa Covid? Naka-quarantine daw ngayon sa isang lugar at wala pang nakakauwi sa kanilang mga tahanan.

SM food to go Banner Ad

MILDRED BACUD: Oo nga nakakaloka. How true na ang isang variety show, hindi lang daw ang ilan sa staff ang nagka-covid maging ang isa sa mga hosts nito sabi ng aming reliable source. Replay nga raw ang napapanood ngayon.

Eto pa natsismis din sina Gerald Anderson at Julia Barretto pero pinabulaanan ito ng handler ng aktor. Paninira lang daw ‘yun. Hindi totoong nag-positibo sila sa Covid.

Nakakatakot talaga mga ka-Cuatros. Marami sa mga artista kabilang na ang Kapuso aktor na sinasabing may covid. Kung iisipin bakit nagkaganon gayung entry at exit sa taping or show ay nagpapa-swab test naman sila. Nakakalungkot na ang ibang taping ay naaantala na naman. Lalong magpapahirap na naman sa atin.
ROLDAN CASTRO: Doble ingat tayo ngayon. Kung walang importanteng gagawin sa labas, stay home. Panatilihin pa rin ang pagsusuot ng facemask, face shield, pagpahid ng alcohol, pagligo pagdating ng bahay, pag-inom ng luya tea at mga vitamins.Proteksyonan natin ang ating mga sarili ‘wag pakampante.

Naulit na naman ang takot sa industriya ngayong tumataas ang kaso ng Covid.

Tiyak na sumasakit ang ulo ngayon ng production sa mga show na nagpositibo ang staff at artista.Magastos at abala sa kanilang lahat. Kailangan talagang magpa- swab test para makasigurong hindi nagkahawahan .Dapat ding mag-quarantine.

Kalorky!

Leave A Reply

Your email address will not be published.