Abante Tonite Interactive

Young actor dinadaldal ang pakikipagtalik sa ex

By
3,289

HINDI maganda sa pandinig ang pag­lalarawan tungkol sa isang young actor ng kanyang mga kasamahan. Masyadong marami siyang kuwento tungkol sa mga nakaraan niyang karelasyon.

Sa madaling salita ay madaldal ang young actor, wala siyang respeto sa mga babaeng nagdaan sa kanyang buhay, dahil pati ang maselang paksa ng kanilang pagniniig ay ikinukuwento niya.

Nakakatakot palang ma­­karelasyon ang naki­kilala na ring young actor. Kailangang mag-isip nang maraming beses ang mga babaeng pinopormahan niya dahil baka isang araw ay hindi na lang niya basta ikinukuwento ang mga nagaganap sa kanila kundi nasa social media na pala.

Kuwento ng isang source, “Tama bang ipagbanduhan pa niya ang mga nangyayari sa kanila ng babae? At detalyado ‘yun, ha? Parang hinuhubaran na niya ang mga babae sa pagkukuwento niya!

“Natural, excited naman sa mga kuwento niya ang mga boys na audienc­e niya. Nag-iinit ang kata­wan nila kapag nagdadadaldal na si young actor, pero kapag wala na siya, puro pintas na ang ina­abot niya.

“Hindi siyempre natutuwa ang mga pinagkukuwentuhan niya, walang matutuwa sa mga ginagawa niya, sa totoo lang!” sabi ng aming source.

Umabot kaya ‘yun sa pagmamalasakit ng kanyang mga kasamahan sa isang young actress na balitang karelasyon ng daldakinang young actor? Sabihan kaya ng mga ito ang magandang girl na mag-ingat sa kanyang boyfriend?

Pahabol ng aming source, “Naku, kung may maglalakas-loob lang sa­nang magsabi sa girl kung anong klaseng boyfriend ang meron siya. Sana nga, malaman na agad ng girl ang mga pinaggagagawang kuwento ng lalaking ‘yun!

“Siguradong kapag nagkahiwalay sila, e, mapapasama na siya sa listahan ng mga babaeng ipinagbabanduhan ng young actor na ‘yun kung anu-ano ang mga pinaggagagawa niya sa kama!” nakaismid pang kuwento ng aming kausap.

Sumpa sa career ni Kris naputol

HUWAG na sanang mausog pa ang proyektong naka­takdang gawin ni Kris Aquino sa Star Cinema. Mahaba na ang dalawang taong mahigit ng kawalan niya ng trabaho sa pelikula at telebisyon.

Sobrang pahinga na ‘yun, kailangan na siyang mapanood, kailangan nang makabalik sa gitna ng laban uli ang aktres-TV host.

Ayon sa nakarating na balita sa amin ay para­ting ngayong umaga si Kris mu­la sa Japan. Pagdating niya ay agad na siyang tutuloy para sa isang homecoming. Makahulugan ang salitang ‘yun. Ang pagbabalik. Ibig sabihi’y muling magbubukas ang pintuang nagsarado para sa kanya nang ma­habang panahon.

Harina­wang matapos na ang sumpa sa career ni Kris Aquino. Oo, madalas pa rin siyang napapanood sa mga ginagawa niyang TVC, hindi siya nawawala sa social media pero iba pa rin ‘yung gitna mismo ng entablado ang kinaroroonan niya.

Sabi’y ang tambalan nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo ang makakasama ni Kris. Para sa iba ay isang paraan ‘yun ng pagsasabing kailangang may makasama siyang ma­lakas na tambalan na pang­hatak sa manonood.

Kailangang may pader na sasandalan si Kris sa kanyang pagbabalik, nagsisiguro siyempre ang produksiyon sa pagbalik ng kanilang puhunan, lalo na’t matagal siyang nawala sa gitna ng aksiyon.

Pero anuman ang kuwento, ang mahalaga ay hindi na manghihiram ng liwanag sa Meralco si Kris Aquino, magbabalik na uli siya sa tahanang minahal niya at sa trabahong hinahanap-hanap na nang matagal na panahon ng kanyang sistema.