Abante Tonite Interactive

Young actor iniwan ang mga magulang

0 599

May tampo pala sa not so young actor (NSYA) ang kanyang mga magulang. Ayon sa aming source, nagsolo na raw kasi si NSYA.

Iniwan na nito ang mga magulang. Kumuha raw ito ng isang condo unit na matitirhan sa bandang Quezon City. At ‘yun daw ang ikinakakatampo kay NSYA ng kanyang mga magulang.

Sana raw ay hindi sila iniwan. Tatlo na lang daw kasi sila na magkakasama sa bahay. Nag-asawa na raw kasi ang apat na kapatid ni NSYA at bumukod na raw ang mga ito ng tirahan.

Okey lang naman daw sa kanila kung nag-asawa na rin si NSYA at bubukod na rin ito para bumuo ng sariling pamilya. Wala pa naman daw itong asawa kaya sana raw ay hindi sila iniwan dahil matatanda na sila. Sino si NSYA na iniwan ang mga magulang? Kontrobersyal siya ngayon. (Rommel Placente)