Abante Tonite Interactive

Young actor kiss and tell

531

May kahambogan ang isang delicious young actor (DYA) na ugaling ipagyabang ang kanyang mga sexual conquest.

Nakaka-turn off ang pagka-kiss and tell ni DYA na kalalaking tao ay ang daldal. Hindi maawat ang bibig nito sa pagkukuwento sa kanyang mga katropa ng mga babaeng natitikman niya.

Ipinagyabang ni DYA na magaling sa kama ang isang sexy starlet na madalas niyang makachorvahan noon.

Sinabi rin niyang may kakaibang hilig gawin ang isang magandang young actress after sex.

Ibinuking din niyang tomboy ang isang young actress kaya tropa lang daw sila at wala siyang malisya rito.

Ngayon ay may isang gandarang young actress (GYA) na nali-link kay DYA, pero lihim lang ang relasyon nila at hindi sila umaamin.

Obvious na tinamaan si DYA kay GYA dahil ito ang pinakasariwa sa mga babaeng naugnay sa kanya.

Mas busy si girl kesa kay boy kaya bumanat ang hambog na si DYA na ano kaya kung buntisin niya si GYA?!

Kalerky! Ano kayang magiging reaksyon ni GYA kung malalaman niya na may ganu’ng hirit ang napaka-ungentleman na si DYA?

Buntisin para mawalan ng career at ma-solo niya si girl, ganern? Anong klaseng boyfriend ‘yon? Kalukring!

May tsikang hindi na rin natutuwa kay DYA ang pamilya niya dahil masyado siyang aligaga kay GYA, na nakakalimutan na niya ang obligasyon at mga pangako niya sa kanyang pamilya.

Kaya ang gusto ng family ni DYA ay maghiwalay na ito at si GYA. Mas mabuti nga sigurong mangyari ‘yon because GYA deserves a better guy!
PAK!!
***

Winwyn binura ang mga
larawan ni Mark

Aminado si Winwyn Marquez na hindi pa siya 100% na nakaka-move on mula sa hiwalayan nila ni Mark Herras.

Magpa-5 months na silang hiwalay at may times daw na nami-miss pa rin ni Wyn si Mark, pero tanggap niya na wala na, tapos na at hindi na puwedeng balikan pa o pilitin pa ang tapos na.

3 years kasi sila kaya hindi ganu’n kadaling kalimutan. Bukod pa roon ‘yung 1 year na niligawan siya ni Mark.

Posible kaya na sila pa rin ni Mark in the end?

“We’ll see, we’ll see,” pakli ni Wyn.

Friends daw sila ni Mark dahil mutual ang desisyon nilang maghiwalay. Hindi rin nila binlock ang isa’t isa sa social media, nag-delete lang sila ng pics nila sa mga feed nila para hindi na nila makita.

Medyo sexy ang role niya ritong si Portia na nagkagusto sa OFW na si Eldon, na ginampanan ni Benjamin Alves, na asawa ni Sanya Lopez.

Ani Winwyn, lahat sila ay may pagkakontrabida o gray ang karakter sa “Dahil sa Pag-ibig” at hindi mo malalaman kung sino ang malinis at sino ang hindi.
Ngayong hapon na ang simula ng “Dahil sa Pag-ibig” sa GMA Afternoon Prime pagkatapos ng “Bihag.”
***

Raymond puyat sa audition

Si Raymond Bagatsing ang pinakakamukha ng dating Pangulong Manuel L. Quezon kaya malaking dahilan ‘yon para mapili siyang bida sa period film na “Quezon’s Game.”

Tatlong buwan na nag-casting ang pelikula at si Raymond ang napiling Manuel habang si Rachel Alejandro ang nakuhang gumanap bilang misis ni MLQ na si Aurora Quezon.

Puyat si Raymond mula sa magdamagang taping ng teleseryeng “Pusong Ligaw” nang mag-audition siya for the role, pero na-impress pa rin niya ang direktor na si Matthew Rosen at pinalakpakan ang kanyang reading.

Two months ang lumipas bago siya tinawagan ulit for a final audition, na puyat na naman siya sa “Pusong Ligaw.” Pumunta pa rin siya with his all white outfit at ginaya na niya talaga si Quezon.

Ayun, siya nga talaga ang perfect for the role at pinatunayan pa ‘yon nang manalo siyang Best Actor sa isang international film festival. 23 awards na ang nakukuha ng pelikula mula sa iba’t ibang filmfests abroad.
Sa May 29 ang showing nito in cinemas nationwide.