Abante Tonite Interactive

Young actor lapitin ng babae, tinuruan ng mga tito

504

Cristy Fermin

Magkumare ang nagkukuwentuhan. May kalakasan ang kanilang pag-uusap kaya naririnig ng mga nasa paligid kung ano ang kanilang paksa.

Sabi ni Kumare A: “O, lapitin ng babae ang anak mo! Napakaguwapo naman kasi, saka sikat pa! Pinagsasabihan mo ba siyang mag-ingat?”
Sagot ni Kumare B: “Ah, wala akong problema sa anak ko. Marunong ‘yan! Tinuturuan siya ng mga tito niya!”

Naloka ang mga nakarinig, maru-nong daw ang anak ni Kumare B, alam daw ng kanyang anak kung ano ang gagawin dahil tinuturuan daw ng kanyang mga tito ang young actor.

Tanong ng aming source, “Kanino naman kaya ginagamit nu’ng young actor ang karunu-ngang itinuturo sa kanya ng mga tito niya? Du’n ba sa girlfriend niya o sa ibang girls?”
‘Yun lang!

John Lloyd
napagkamalang
si Anthony Castelo

Lumayo na talaga nang milya-milya si John Lloyd Cruz sa kanyang dating itsura mula nang magdesisyon siyang yakapin ang pribadong buhay na kasama si Ellen Adarna.

Sa kanyang itsura ngayon ay titingnan mo nang makalawa si JLC bago mo siya makilala. Nu’ng magpaimbita ng mga artista ang Palasyo ay napagkamalan siyang si Anthony Castelo.

Maraming nakarinig sa isang PSG na nagsabi, “Positive na rin si Anthony Castelo, proceeding na siya ngayon d’yan.”

Mataas din kasi ang hairline ni JLC, pareho silang bigotilyo at balbas-sarado ng nagkakaedad nang singer na nagpasikat ng “Hahanapin Ko,” kaya siya napagkamalang si Anthony Castelo.

Trip ‘yun ni Lloydie. Kaligayahan niya na ang mga nagaganap ngayon sa kanyang buhay na pribado. Halos inilaan niya na kasi ang buong buhay niya sa pag-aartista.

Kanyang-kanya lang ang oras niya ngayon. Puwede siyang matulog nang hanggang gusto niyang oras, hindi tulad nu’n na kaiidlip pa lang niya ay kailangan na uli niyang gumising, dahil maraming trabahong naghihintay sa kanya.

Walang presyo ang kaligayahan. Lalo na ang katahimikan ng kalooban.

Sa susunod na Linggo ay aarangkada na ang point to point bus ng HM Transport na magmumula sa Mapulang Lupa sa Pandi, Bulacan at magtatapos sa Trinoma, Quezon City.

Napakalaking kagaanan nito para sa mga Pandieño na kapag lumuluwas ay nagpapasalin-salin pa ng mga sasakyan. Ngayon ay isang diretsong biyahe na lang ang kanilang gagawin sa pamamagitan ng mga point to point bus na unang proyektong tinupad ni Mayor Enrico Roque.

Limang bus lang muna ang bibiyahe mula nga-yong Biyernes pero may darating pang sampung bus na magseserbisyo sa mga Pandieño sa pamasaheng kayang-kaya ng kanilang bulsa.

Ang P2P bus na ito ay bahagi ng mga pangakong binitiwan ng sinuportahang ma-yor ng mga Pandieño, marami pang ibang kasunod na proyekto para sa kanyang mga kababayan si Mayor Enrico, na pormal nang mauupo sa unang araw ng July.

Ang Amana Water Park ay pag-aari rin ng pamilya ni Mayor Enrico Roque, si dating Vice-Mayor Ricky ang namamahala sa resort na tanging may 13 waves dito sa ating bansa, idagdag pa ang mga life size action figures na kinagigiliwang makatabi sa retrato ng ating mga kababayan.

Natupad na rin ang pangarap ni Mayor Enrico na mabili ang malawak na lote na may emosyonal na bahagi ng kanyang kabataan.

Para makapasok sila ni Ricky na may baon ay kailangan nilang manalbos ng sampalok para itinda sa palengke.

Sabi ni Mayor Enrico nu’ng minsang magkatabi naming tinitingnan ang katabing lote ng Amana, “Nanay, ang mga punong sampalok na nakikita n’yo ngayon ang tinatalbusan namin ni Ricky nu’ng mga bata pa kami para may pambaon kami sa eskuwela.”

Karugtong na ngayon ng Amana Water Park ang taniman ng sampalok na palaging nagpapaalala kay Mayor Enrico Roque ng kanyang napakapayak na nakaraan.
Tunay na may malaking premyo ang pagsisipag at pagsisikap sa bandang dulo ng laban.