Abante Tonite Interactive

Young actor na mama’s boy iniwan ng GF

By
0 140

Hindi maganda sa isang anak na nagbibinata na hindi humihiwalay sa saya ng kanyang ina. Katulad na lamang ng guwapong young actor.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin ma­tapang magdesisyon para sa kanyang sarili kahit kaya na niyang dumiskarte mag-isa.

Kung ikukumpara siya sa kanyang mga kaedad, para siyang bunso. Totoy ang drama. Akala mo’y hindi mabubuhay kung wala si mudra sa paligid niya.

Kahit na sa pakikipagrelasyon sa mga babae, naiimbudo ang mga girlash. Nagdadayalog kasi ang guwapong young actor ng, “Itatanong ko muna sa mama ko.”

Eh, sa totoo lang naman, si madiraka ay kunsitidora. Sobrang like niya ang anumang kadramahan ng junak niyang binata. Bine-baby niya ito.

Promising sana ang young actor pero lumaylay ang kasikatan.

Marami kasi ang nati-turn off sa kanya, pati na ang kapwa artista. Ganoon din ang mga produ na kumukuha sa kanya para bigyan siya ng raket. Hindi niya kayang kumilos at magdesisyon na akma sa edad niya. Pakiramdam yata ni Papa Cute, ay papaluin siya ni mudra kapag nagkamali siya.

Iniwan din siya ng girlfriend niya. Hindi niya ma-take ang dyowa niya na kapag pinagpapawisan ay nasa paligid ang mudra. Pinupunasan ng pawis ang junak sa pamamagitan ng bimpo, nilalagyan pa ng powder na parang baby pa. Sobrang mama’s boy ang kadramahan. ‘Kalowkah!