Abante Tonite Interactive

Young actor nainis sa sambakol na mukha ng aktres

218

tonite-no-thanks-cristy-fermin

Bago pa lumundag sa bakuran ng isang network ang isang magandang young actress ay may mga nagpaalala na sa mga bossing ng istasyon na mahirap katrabaho ang bagets.

Mahirap ding ispilengin ang kanyang ugali, mahirap kapain kung ano ang gusto niya at ayaw, good luck na lang sa mga bossing ng network kapag tinanggap nila ang young actress.

Kuwento ng aming source, “So, natuloy na nga ang girl sa network. Mukhang okey naman siya nu’ng una, pero nu’ng magtagal-tagal na, e, unti-unti nang lumulutang ang kakaibang attitude niya.

“Naiinis siya sa mga kasamahan niyang artistang nate-take two or three. Take one lang palagi ang gusto niya, naiinis siya, kaya palagi siyang nakasimangot!

“Hanapin ba ang sarili niya sa ibang tao? Porke ba marunong siyang umarte, e, hindi na puwedeng magkamali ang ibang mga kaeksena niya?

“Sa inis nga ng isang young actor nu’ng makita siyang nakasimangot dahil sa inuulit na eksena, ‘Naku, sorry naman sa iyo, ha? Ang galing-galing mo kasing umarte!’

“Naloka siya! Hindi siya nakapagsalita, kasi nga, sambakol ang mukha niya kapag may mga co-stars siyang nate-take two!” simulang kuwento ng aming source.

Tuloy ay hindi napigilan ng ibang artista ang pagkukumpara sa kanya at sa isang aktres na hindi iba sa kanya. Kadugo niya mismo ang aktres.

Kuwento uli ng aming source, “Sabi nga ng isang ve­teran actress nu’ng minsan, e, napakalayo niya sa syupatid niya na napakasarap katrabaho.

“Walang kaarte-arte sa katawan ang sister act niya, marespeto pa sa mga beteranong artista. Napakalaki ng pagkakaiba nila, sa totoo lang!” pagtatapos ng aming impormante.
***

Willie tinakasan ang sakit

Nagsimula na uling mag-taping si Willie Revillame para sa kanyang matagumpay na Wowowin. Sobrang nasaktan-nalungkot ang aktor-TV host dahil sa aksidenteng naganap sa kanyang studio ilang linggo na ang nakararaan.

Ang pinlano niyang birthday party ay hindi natuloy pero dumating pa rin ang kanyang mga kaibigan at katrabaho para bumati sa kanyang kaarawan.

Nagpahinga muna si Willie sa kanyang bagong biling islang bakasyunan sa Mindoro, du’n siya nag­palipas ng kalungkutan, kilalang-kilala si Willie kung paano magmahal ng kanyang mga tagasuporta.

Sabi niya, “Ang pinakamasayang point ng buhay ko sa maghapon, e, kapag may nananalong contestant sa show, lalo na kapag nakukuha ang jackpot prize.

“Nakauwi na ako, pagod na pagod dahil sa dalawang taping, pero kapag naaalala ko ang happiness ng nananalong contestants, nawawala ang pagod ko.

“Nagbabalik sa akin ‘yung sarap ng mga sigaw nila, ‘yung pag-iyak dahil sa sobrang kaligayahan dahil magkakaroon ng malaking pagbabago ang buhay nila,” komento ng aktor-TV host.

Bago magsimula ang taping ng Wowowin ay ang mga pamigay na t-shirt, jacket, telepono at kung anu-ano pang giveaways ang unang tsine-check ni Willie.

Sabi ng isa niyang staff, “Kailangang aregladong lahat ‘yun, hindi puwedeng umuwing walang dala ang mga supporters niya. Ganu’n niya kung mahalin ang mga nanonood ng show niya, lalo na ang mga nanggagaling pa sa malalayong probinsiya.

“Kumbaga, e, kulangin na kami sa iba, huwag lang sa mga fans niya, dahil ang palaging sinasabi sa amin ni kuya sa meeting, ang audience ang priority dapat sa amin,” kuwento ni Bern.

May bahid pa rin ng lungkot ang TV host, pero sabi nga, the show must go on dahil maraming kababayan natin ang umaasang mababago ang estado ng buhay dahil sa Wowowin.