Abante Tonite Interactive

Young actor napag-iiwanan ng girlfriend

By
2,613

Sa maagang panahon ay inaatake na ng se­los at insekuridad ang isang young actor dahil sa magandang oportunidad na dumating sa kanyang girlfriend. Napag-iwanan na kasi siya nito, bumibida na ang babae, habang siya naman ay nganga pa rin hanggang ngayon.

Gumaganda ang career ng young actress, mara­ming pumupuri sa simple at inosenteng kagandahan nito, nakakatanggap na rin ng magagandang reviews ang young actress dahil sa natural nitong pag-arte.

Kuwento ng aming source, “Siyempre, aatakihin ng insecurity si lalaki, ‘di ba? Wala pa naman siyang alam kundi ang mang-away, wala naman siyang talent na maipakikita, kaya ngangang-nganga ang career niya ngayon!

“E, ang ganda-ganda pa naman ng girlfriend niya, palaban pa, ang guwapo pa ng partner niya sa ser­yeng pinagbibidahan nilang dalawa. Saan na ngayon pupulutin ang maangas niyang karelasyon?

“Hindi malayong one day, e, maghiwalay rin ang dalawang ‘yan, priority kasi ng girl ang career niya ngayon. Napakatagal nga naman niyang naghintay, kaya ngayong dumating na ang tamang panahon para umangat siya, pakakawalan pa ba naman niya ang opportunity na ito?” sabi ng aming impormante.

Maraming nag-iisip na isang araw ay magwawala na naman ang young actor. Hindi na naman niya mapipigilan ang kanyang emosyon. Mang-aaway na naman siya ng mga taong nananahimik at hindi naman siya inaano.

“Sana, e, asikasuhin na lang niya ang career niya para may mangyaring posi­tive sa kanya. Napakahilig kasi niyang mang-away, sobrang maangas siya, kaya maraming naiinis sa kanya. Ang feeling kasi ng mokong na ‘yun, e, sikat na sikat na siya, kaya ganyan siya kayabang!

“Magsimula na siyang magdasal, lumalayo na ang loob sa kanya ng girl, nauntog na sa pader ang babae at napag-iisip-isip na niya na walang mangyayari sa mga pangarap niya kung nand’yan ang maangas niyang BF,” pagtatapos ng aming source.