Abante Tonite Interactive

Young actor pinagdusa muna ang girl bago ipinagtanggol

314

tonite-no-thanks-cristy-ferminAligaga ngayon ang isang young male personality sa pagtatanggol sa kanyang girlfriend na nalagay sa isang nakakahiyang sitwasyon. Naiinis sa kanya ang mga fans ng girl.

Bakit ngayon lang siya nagpapaliwanag, bakit hindi nu’n pa, para hindi naman nalagay sa alanganin ang image ng kanyang karelasyon?

Kuwento ng isang source na may alam na impormasyon sa isyu, “Nakakagulat nga naman kasi, bakit nga­yon lang siya nag-aabalang maipagtanggol ang girlfriend niya, samantalang nu’n pa umaasa ang mga fans ng girl na siya ang maglilinaw sa issue?

“Kesyo nagagalit pa kuno siya ngayon sa mga taong gumawa ng hindi kagandahang kuwento tungkol sa girl, samantalang ano ba ang ginawa niya nu’ng pumutok ang kuwento?

“Nagsalita man lang ba siya bilang pagdepensa sa girl? Itinama ba niya ang kuwentong nag­baon sa kahihiyan du’n sa young actress? May ginawa ba siyang move?

“Hindi ba’t ang ego niya bilang lalaki ang pinalutang niya? Kesyo mapapatawad daw naman niya ang girl, blah-blah-blah!” naiinis na kuwento ng aming impormante.

Hindi nga naman ganu’n kadaling makalimutan ng bayan ang ginawang paghusga ng mga bashers sa young actress. Kung anu-anong pangalan kasi ang ikinapit sa kanya, tinawag pa nga siyang higad ng mga walang magawa, dahil na-Julie Andrews kuno itong may kasamang ibang laaki at may ginagawa silang milagro.

Balik-komento ng aming source, “’Yun! Nu’n siya inaasahang magpaliwanag ng mga fans ng girl. Nu’n niya dapat ihinarang ang kamachuhan niya, nu’n dapat siya umeksena! Pero wala siyang ginawa.

Ni hindi man lang siya nagbigay ng explanation na walang katotohanan ang ibinibintang sa girlfriend niya!

“Johnny come lately na ang drama niya, nasaktan na ang girl, nagdusa na! Ngayon pa siya popormang parang knight in shining armour ng girl, tantanan na ang mga drama!” napapailing na pagtatapos ng aming source.

Kris mainit na tinanggap ng mga Pinoy sa Amerika

Sa halip na patulan-kargahan pa ang kanyang mga tagasuporta ay iniwasan na lang ni Kris Aquino ang ginawang diumano’y pangdedema sa kanya ng ABS-CBN sa pagrampa niya sa red carpet premiere night ng Crazy Rich Asians sa Hollywood.

Tamang hakbang. Para ano pa at bibigyan niya ng panahon ang ganu’n, tapos na ang laban, nakuha na niya ang atensiyon ng buong bayan maging ng mga banyaga.

Tanging si MJ Marfori lang ng TV5 ang nag-cover ng markadong pagrampa ni Kris sa Hollywood, pero lumabas sa maraming websites ang event, pinag-usapan ang aktres-TV host sa kanyang dilaw na gown na may suot pang mga alahas na mas malaki pa ang halaga kesa sa isang gasolinahan.

Okey na ‘yun. Isang patunay lang ang naganap na Kris Aquino is Kris Aquino. Totoong-totoo rin ang kasabihan na success is the ultimate revenge. Ano pa ba naman ang kailangang patunayan ng isang Kris Aquino?

Pero ang nakatutuwa ay ang pansaman­talang pagliban sa trabaho ng mga kapwa natin Pilipino sa Amerika para lang suportahan si Kris. Napakaha­laga ng panahon para sa kanila pero nagpuntahan ang mga kababayan natin sa venue para bigyan siya ng mainit na pagtanggap.

‘Yun ang mas nagpataba sa puso ng aktres-TV host, ‘yun ang mahihirapan siyang balewalain, dahil sa bibihirang pagkakataon ay nakatikim siya ng pagtanggap mula sa mga Pinoy na nu’n lang niya nakawayan at napasa­lamatan.

Sabi nga ni Kris, “The warm welcome, the effort of our kababayans, I will never forget the love.”