Abante Tonite Interactive

Young actor, singer actress maingay ang pag-ober da bakod

2,155

tonite-no-thanks-cristy-ferminBakit kaya maraming kuwento ng lipatan ng network na lumulutang ngayon? Unang pumutok ang balita na nagpaplanong kumabilang-bakod ang isang pamosong female personality pero nagdenay na ang sangkot sa isyu.

May isang young actor ding nagpaparamdam na sa kanyang mga kaibigang nasa kabilang istasyon na gusto na rin nitong lumipat, kaya lang ay meron pa itong kontrata sa kanyang network, kaya kailangan pa nitong maghintay.

Ang pinakahuling napapabalitang gustong lumipat ay ang pamosong female personality na itinuturing na poste ng kanyang network.

Abante Hiring – IT dep

“Ang sabi niya sa kausap niya, ‘Pa-experience namang magtrabaho sa network n’yo!’ Natural, tuwang-tuwa ang sinabihan niya, ang sagot sa kanya nu’ng friend niya, ‘Naku, ang sarap-sarap mag-work du’n, ang dami-dami nilang projects na mapagpipilian mo!’

“Parang sinasabi nu’ng friend niya na sa network kasing pinagtatrabahuhan niya ngayon, e, limitado lang ang trabaho, samantalang ang galing-galing umarte at kumanta nu’ng girl!

“Biro man o totoo ang sinabi niya, natural lang na kumalat ‘yun, ang dami-daming nakapaligid sa kanila nu’ng sabihin niyang pa-experience namang mag-work sa network ngayon ng friend niya,” paglilinaw ng aming source.

Pero nagdedenay ang singer-actress, hindi raw totoong gusto na niyang lumipat, napakalaki raw ng utang na loob na tinatanaw niya sa istasyong pinagli­lingkuran niya ngayon.

Huling sultada ng aming­ source, “Ganu’n naman palagi, di ba? Sa una, nagdedenay pa sila, pero kamukat-mukat mo, pumipirma na ng kontrata sa kabilang istasyon.
***

Daniel ramdam ang paggaling ni Kathryn

Nagtugma-tugma ang lahat ng mga sangkap para sa malaking tagumpay ng The Hows Of Us nina Da­niel Padilla at Kathryn Bernardo. Sa unang araw ng pagpapalabas ng kanilang pelikula ay tumataginting na halos P36 million ang kinalaykay nila sa takilya.

Magandang materyal para sa loveteam, ang pagiging propesyonal nilang magkarelasyon, ang pagiging magiliw at mabait nila sa kanilang mga tagasuporta na talagang lumalabas at gumagastos para sa kanilang proyekto.

Nagtagpu-tagpo ang lahat ng mga kailangan para ngumiti ang kanilang mga prod­yuser papunta sa bangko bilang malaking dagdag sa kaban ng kanilang yaman.

Kuwento ng isang kaibigan naming nanood ng The Hows Of Us kasama ang kanyang mga kaibigan, “Last full show na kami nanood, nag-oopisina kasi kami. Kundi pa nakiusap ang friend ko sa pamangkin niya na kumuha na agad ng tickets, wala, punumpuno, hindi na kami makahahabol.

“Ang galing-galing ni Kathryn Bernardo, maga­ling din si Daniel, pero talagang si Kathryn ang papalakpakan mo sa movie. Malalim ang acting niya, with conviction, sa mga youngstars ngayon, e, si Kathryn talaga ang pinakamagaling umarte,” papuri ng aming kaibigan.

Kahit naman si Daniel ay panay-panay ang papuri sa kanyang ka-loveteam sa likod at harap ng mga camera. Napakalaki raw ng pagkakaiba ng papel na ginagampanan ni Kathryn sa pelikulang ito kumpara sa mga proyektong ginawa na nila.

At malaking dahilan ng tagumpay ng The Hows Of Us ang kanilang mga taga­suporta na talagang kumikilos para sa tagumpay ng kanilang loveteam.

Espesyal naming babanggitin ang Solidarity KN Group na puro propesyonal, hindi nila pinababa­yaan ang kanilang mga idolo, gumagastos talaga sila at ihinahanap nila ng panahon ang pagsuporta kina DJ at Kath. Congratulations!