Abante Tonite Interactive

Young actor-singer pinaglaruan sa crush

640

NAGPAKATOTOO lang naman ang isang young male singer-actor tungkol sa kanyang nararamdaman pero nang dahil du’n ay pinaglaruan siya ngayon ng mga bashers.

Wala namang masama sa pagkakaroon ng crush, lalong hindi naman krimen ang manligaw kung talagang gustung-gusto niya ang babae, pero bakti kaya ayaw paniwalaan ng marami ang kanyang mga sinasabi?

Sabi ng isang source, “‘Yun na nga, kasalanan bang sabihin niya kung ano ang nararamdaman niya? Bakit, hawak ba nila ang puso nu’ng young male singer-actor para husgahan siya at paglaruan?

“Malay naman nila kung ngayon pa lang nagigising ang pagkagusto niya sa mga pangalang sinabi niya? Kumbaga, ano naman ang kinalaman ng mga bashers na ‘yun sa nararamdaman niya?

“Wala ba siyang karapatang manligaw? Wala ba siyang karapatang lumigaya? Sobra namang makapang-bash ang iba d’yan!” madiing pagtatanggol ng impormante sa young male singer-actor.

Ang kuwentong ito ay nag-uugat sa minsang naging engkuwentro nila ng isang male singer na nagdududa sa kanyang gender. Pinagpistahan ‘yun ng publiko.

Balik-kuwento ng aming source, “Naku, porke ba pinaringgan nu’ng male singer na ‘yun ang young male singer-actor, e, totoo na ‘yun? Kilalang-kilala ba niya ang pinagdududahan niya ang gender?” pagtatanggol pa rin ng aming impormante.

Okey!

Sikat na male personality galing sa gay relationship

TAWA nang tawa ang aming source sa pinakawalang komento ng isang sikat na male personality tungkol sa pagmamahalan ngayon ng isang becking personality at ng kanyang boyfriend na nagmamarka na sa publiko ang presensiya.

Ang sabi kasi ng sikat na lalaking personalidad ay nakikita raw niyang maligaya ang kanyang kaibigan. Nagbilin din siya sa boyfriend nito na huwag pababayaan ang becking personalidad.

Komento ng aming kausap, “Naku, he knows better! Hindi na bago sa kanya ang ganu’ng klase ng relasyon! Galing din siya du’n!”

‘Yun lang.

Alex P2M ang kinikita sa YouTube

MAGKASUNOD na ipinasilip sa amin ng aming apo ang mga vlogs nina Kuya Raffy Tulfo at Alex Gonzaga. Grabe pala ang kanilang followers. Konti na lang at limang milyon na ang kay Alex at ilang pindot pa ay nasa siyam na milyon na ang You Tube channel ng matapang na komentarista.

At napakarami nilang commercials, pinapasok talaga sila ng mga advertisers, dahil napakalaking exposure nga naman ang makukuha ng kanilang mga produkto kapag milyun-milyon ang sumusubaybay sa vlog.

Si Ogie Diaz mismo ang nagkuwento sa amin na kumikita nang dalawang milyon buwan-buwan si Alex. Gaano kaya ang kinikita ni Kuya Raffy kada buwan kung halos siyam na milyon na ang sumusubaybay sa kanyang You Tube channel?

‘Yun ang bagong trabahong pinagpipsitahan ngayon ng mga personalidad maging ng mga kasamahan naming reporters. Sipag at tiyaga lang ang kailangan, pagtutok sa mga pinakahuling kaganapan at presto, maganda na ang kompensasyong bumabalik sa kanila.

Nu’ng nakaraang Huwebes ay dumaan sa aming programa ni Romel Chika sa Radyo Singko si Alex. Maaga pa lang pala ay nandu’n na siya, tinututukan niya ang mga aktibidad ni Kuya Raffy mula sa pangtanghaling programa nito hanggang sa Wanted Sa Radyo sa 92.3 New FM, siguradong grabe ang magiging resulta ng kanilang kolaborasyon dahil sila ang may pinakamalaking followers.

Marami rin kaming napanood sa vlog ni Alex Gonzaga, ang mga biyahe nila ng kanyang ate sa ibang bansa, ang pangungulit niya sa kanyang boyfriend na si Konsehal Mikee, nakakaaliw ang kanyang mga atake.

Kay Kuya Raffy naman ay ang mga panayam nito sa mga OFW na nagtatagumpay pero ang pinakakarne ng kanyang You Tube channel ay ang mga nagrereklamo nating kababayan sa Waned Sa Radyo na binibigyan nito ng solusyon.
Panalo!